Sunshine Cruz on estranged husband Cesar Montano: "Pabibo siya..."

Sunshine Cruz posts a cryptic message about parenthood and calls estranged husband Cesar Montano "pabibo."


Nag-react si Sunshine Cruz sa pinakahuling interview ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Bukod sa makahulugang quote na ipinost ni Sunshine tungkol sa pagiging magulang, tinawag din niyang “pabibo” ang asawa.

Nitong Huwebes, April 28, nag-post ng quote si Sunshine sa kanyang Instagram account.

Saad ng quote: “There is no such thing as a perfect parent so just be a real one.”

Sa comments section, may ilang followers na pumuna sa pinakahuling interview ni Cesar na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 28.

Tinawag ng dalawang netizens na emotero o “emo” si Cesar at hinimok na magpakatotoo.

Sumang-ayon naman si Sunshine dito at sumagot ng: “Pa-bibo siya LOL!”

Nitong Huwebes, naisulat sa PEP ang interview kay Cesar, na sinabing nami-miss na niya ang kanyang mga anak dahil hindi pa niya nakikita ang mga ito.

Hindi rin daw niya masabi ang dahilan dahil masasaktan ang ina ng kanyang mga anak, si Sunshine.

Bukod pa rito, nagsalita rin si Cesar na hindi siya nagkukulang sa mga anak at ginagampanan niya ang kanyang mga responsibilidad bilang ama, halimbawa ang pagpapaaral sa tatlong anak nila ni Sunshine.

Read: Cesar Montano still fighting for his right to see children with Sunshine Cruz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN