Cesar Montano claims Sunshine Cruz gets in the way of his communication with daughters

Cesar Montano hints that estranged wife Sunshine Cruz is preventing their daughters from communicating with him: "Of course, nandun yung mga texts, pero makikita mong nakakalungkot, napipigilan sila ng kanilang ina. Kasi, sa totoo lang, that shouldn't be the case."


Sa ginanap na opening ng kanyang solo painting exhibit sa Kamuning Bakery noong April 27, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar Montano tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa mga anak niya sa estranged wife na si Sunshine Cruz.

Dahil nabanggit ni Cesar na “freedom” ang nararamdaman niya sa tuwing siya'y nagpe-paint, biniro namin siya kung nakakaramdam din ba siya ng freedom na makasama ang kanyang mga dalagitang anak?

Natawa si Cesar pero sinagot din niya ang tanong.

“Actually, it’s more on at peace and happiness with my kids. Alam kong papunta run yun.”

Hindi pa rin niya nakikita ang mga anak?

“Hindi pa rin. Pero inaayos naman ang lahat and ako, I’m looking at the brighter side of every thing.

“Parang happiness lang ‘yan—hindi nagtatagal. Ganundin ang trouble, hindi rin nagtatagal,” makabuluhan niyang pahayag.

RARING TO REUNITE WITH DAUGHTERS. May isang taon na rin daw na hindi niya nakikita o nakakasama ang mga anak na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Ano ang pakiramdam ng isang ama na alam niyang nandiyan lang ang mga anak niya pero hindi niya nakakasama?

“Of course, it’s not a good feeling. Pero ako, I’m a very positive person.

“I can decide to be skeptic pero pinipili kong tumungo run sa positive which is more healthy.”

Kahit texting, hindi niya sila nakakausap sa pamamagitan ng text messaging?

“Of course, nandun yung mga texts, pero makikita mong nakakalungkot, napipigilan sila ng kanilang ina.

“Kasi sa totoo lang, that shouldn’t be the case.

“Sa America nga, kapag interesado ang ama, naku binibigay na sila sa ama.

“Why? Kasi, may survey na karamihan ng crimes na nangyayari ay ginagawa ng mga taong walang ama,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN