Nadine Lustre admits she's not too fond of PDA

Nadine Lustre (left) admits that she's not the showy type when it comes to expressing her affection for BF James Reid. She explains, "Hindi po kasi ako sanay nang ganun—yung nagsasabi publicly. Mahiyain talaga ako pagdating sa relationships."

 


Marami ang nakakahalata na sa relasyon nina James Reid at Nadine Lustre, tila hindi ganoong ka-demonstrative ang huli.

Hindi katulad ni James na laging napapansin ang pagiging sweet nito sa kanyang girlfriend.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Viva star sa presscon ng pelikulang This Time na ginanap sa Le Reve Events sa Quezon City, isa ito sa mga inalam namin sa kanya.

Nahihiyang pahayag niya, "Hindi po kasi ako sanay nang ganun—yung nagsasabi publicly.

"Mahiyain talaga ako pagdating sa relationships.

"'Pag kaming dalawa lang naman po and friends, siyempre, nagkukuwento ako sa kanila, ganun.

"Pero hindi ko talaga ako sanay na...

"Yung PDA [public display of affection], hindi po."

JEALOUS TYPE? Ang isang bagay na inamin niya ay ang pagiging selosa niya.

Natatawang pahayag ng young actress, "Sobra!

"Pero wala pong reason [para magselos siya].

"Pero may tiwala naman po [kay James], may assurance naman po."

Ano na ba ang mga pinagselosan niya sa kanyang boyfriend of three months?

"Wala pa naman pong instance na nagselos talaga ako.

"Wala pa po talaga."

Hindi na nga raw siya yung jealous type, unlike before.

Ani Nadz, "Hindi na tulad noon.

"Ngayon, mas gusto ko nang laging magkatrabaho kami, kasi mas gugustuhin ko nang lagi kaming magkasama together."

VIRAL VIDEO. Samantala, nabuksan ang paksa tungkol sa nakaraang viral video ni James kamakailan kunsaan may kasama siyang ibang babae.

Inalam namin ang reaksyon pa rin niya tungkol dito.

"Yung nasa video? Kilala ko naman po yung nasa video.

"Wala namang problema dun," paglinaw ni Nadine.

DEALING WITH BASHER FANS. Kasunod nito ay ang usapan tungkol sa ex-girlfriend ni James na humingi sa kanya ng tulong para tigilan ang pamba-bash sa kanya ng mga tagahanga ng JaDine.

Paliwanag ng singer-actress, "Wala naman akong isyu sa kanya.

"Nagkikita naman po kami, nag-uusap kami, so para wala naman pong reason na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ako naman kasi, personally, ayoko naman kasing nakikitang nakikipag-away yung fans.

"So, as much as I can, inaawat ko sila, sinasabihan ko na tumigil na, ganun.

"Alam naman po nila yun, at marami naman pong JaDines ang di naman po namba-bash.

"Hindi naman po kasi talaga maiwasan.

"Meron naman po na medyo pasaway."

TOO GOOD-LOOKING? Sa puntong ito, biniro namin si Nadine kung problema ba ang pagiging sobrang guwapo ni James sa kanilang relasyon?

Pabirong tugon niya, "Problema kasi tipong mas maganda pa siya sa akin."

Mabilis naman niya itong binawi, sabay sabing, "Hindi naman po.

"Hindi naman."

MAY U.S. TOUR. Halata ngang enjoy na enjoy sila sa kanilang relasyon lalo na't kung saan-saan na sila napupuntang lugar na para nga lang nagha-honeymoon sila.

Natatawang sabi niya, "Wala pa naman pong kasal.

"Masaya lang po kami na maraming events na magkasama kami.

"Siyempre, we enjoyed it naman lalo na't masyadong memorable yung places na napuntahan.

"Sa May 12, balik-Amerika naman po kami para sa tour namin.

"Nakakapagod din po, pero masaya naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN