Heart Evangelista on Sen. Chiz Escudero: "Ngayon ko lang na-realize kung sino pala siya."

With the election campaign season in full swing, Heart Evangelista admits that this has been an opportune time for her to really get to know her husband, Sen. Chiz Escudero, better: "Kasi the whole time, kahit senador siya hindi ko talaga alam kung ang impact niya sa tao. And now that I'm going around, I see it. So, nakaka-proud at naintindihan ko kung ano ang ipinaglalaban niya at pagmamahal niya sa bayan, in fairness."


Inaatake si Heart Evangelista ng asthma kaya ubo ito nang ubo noong sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Legazpi, Albay noong nakaraang Biyernes ng gabi, April 29.

Isa si Heart sa mga umupong judges para sa Daragang Magayon beauty pageant na ginanap nung gabing iyun, kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Paolo Contis at Yasmien Kurdi.

Aminado ang Kapuso actress na nahirapan siya sa pag-juggle ng oras niya sa pagtulong sa pangangampanya para sa asawa niyang si Sen. Chiz Escudero, at sa trabaho niya bilang artista.

Saad niya, “Mahirap talaga.

“Naninibago ako, pero na-enjoy ko naman lalo na sa palengke tour na nakita mo talaga na napaka-genuine ng pagtanggap sa ‘yo ng mga tao.

“Yung parang may magic ka na nabigay sa kanila nung nakita ka. I’m happy.”

THE DIRTY SIDE OF POLITICS. Ang hindi lang daw niya matanggap ay ang matinding siraan sa pulitika.

Ilang beses na umiiling si Heart nang tinanong namin tungkol sa mga naglalabasang isyu na nag-aaway na raw ang kampo nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz dahil sa isyu sa pera.

Mabilis niyang tanggi, “Hindi talaga totoo 'yan!

“Di ba may black eye pa raw? It’s not true!”

“Mahirap talaga. Sobrang hirap, stressful.

“Nakakatuwa kasi hindi naman ako ang tumatakbo, pero si Chiz ang umaalalay sa akin emotionally and physically.

“Siya pa nga ang umaalalay sa amin kesa sa kanya.

“He’s very cool, very happy, very positive, and dun namin kinukuha namin ang lakas namin sa kanya.

“Kaya lalo akong nagaganahan na mangampanya para sa kanya,” dagdag pa ng 31-year old Kapuso actress.

Naalangan lang si Heart na magbigay pa ng dagdag na komento, pero nakikita namin kung ano ang mga disappointments niya sa pulitika.

“It’s more complicated than I thought.

“I can say, medyo hopeful ako. Basta ayokong maging politician. Ganun na lang siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, we did our best, Ganun naman yun e,” dagdag pa niyang pahayag.

LEARNINGS FROM CAMPAIGN. Kung ano man daw ang kahihinatnan ng eleksyong ito, at gusto pa ring magsilbi ni Sen. Chiz, nandiyan lang daw siya para sumuporta.

“Susuportahan ko siya, kasi yun ang kanyang passion, e.

“Pero para sa akin, hindi ko kayang gawin yun,” sagot nito.

Dagdag pa niya, “Kung meron man akong nakuha sa eleskyon na ito, is that marami akong napasaya at marami kaming nakikitang sumusuporta kay Chiz at nagmamahal sa kanya.

“So mas nagiging proud ako kay Chiz kasi ngayon ko lang na-realize kung sino pala siya.

“Kasi the whole time, kahit senador siya hindi ko talaga alam kung ang impact niya sa tao.

“And now that I’m going around, I see it.

“So, nakaka-proud at naintindihan ko kung ano ang ipinaglalaban niya at pagmamahal niya sa bayan, in fairness.”

POST-ELECTION ACTIVITIES. Pagkatapos ng eleksyon, mag-focus na raw siya sa promo ng bagong rom-com series niya sa GMA Telebabad na Juan Happy Love Story, kasama si Dennis Trillo, dahil sa May 16 na raw ito magsisimula.

Gusto na rin daw niyang magbakasyon at ipagpatuloy ang construction nang ipinapatayo niyang bahay, para baby na raw ang kasunod.

“Gusto ko tapusin yung bahay ko para siyempre everything is in place bago ako magkaroon ng baby, para maayos ko yung kuwarto niya ganyan.

“I want to plan everything kasi,” saad pa ng bida ng Juan Happy Love Story.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN