Daughters of Sunshine Cruz and Cesar Montano express support to their mom

Amidst the brewing rift between estranged couple Cesar Montano and Sunshine Cruz, two of their three daughters have expressed support to Sunshine.


Nagpahayag ng kanilang pagsuporta sina Angelina at Franchesca Montano sa kanilang ina na si Sunshine Cruz, sa gitna ng tila lumalalang hidwaan sa pagitan ng aktres at ng ama nilang si Cesar Montano.

Tatlo ang naging anak ni Sunshine kay Cesar: sina Angelina, Samantha, at Franchesca.

Nagkomento nitong weekend ang dalawang anak ni Sunshine sa post na ito ng aktres noong nakaraang linggo: “There is no such thing as a perfect parent so just be a real one.”

Sabi ng panganay na si Angelina, “The three of us are always here for you, Mommy, no matter what.

“Stay stay strong, the three of us know that you want what is best for us.

“We love you mommy!”

Sinundan naman ito ng komento ni Franchesca, bunso nina Sunshine at Cesar.

Pahayag niya, “Thank you so much for always standing up for us, Mommy, and thanks so much for doing anything just to protect us, just remember that we are always here for you and that we will stand up for you too.

“Love you, Mommy.”  

Lumabas sa PEP ang ulat na sa kabila ng hindi nakikita ni Cesar ang mga anak niya kay Sunshine ay patuloy pa rin ang pagganap ng aktor sa kanyang responsibilidad bilang ama, kagaya ng pagbabayad sa tuition ng mga bata.

Nitong weekend din, nag-post si Cesar ng pagbayad niya ng matrikula ng tatlong anak para sa buong taon.

Ayon pa kay Cesar, napilitan siyang mag-post dahil sa maling impormasyong nakakarating sa mga tao.

Read: Cesar Montano claims full payment of daughters' tuition fees for 2016 in FB post

Ayon naman kay Sunshine, ayaw muna ng kanilang mga anak na makita ang kanilang ama.

Read: Sunshine Cruz says kids don't want to see Cesar Montano for now: 'Ayaw nila. Irespeto niya na muna.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN