Paulo Avelino reacts to KC Concepcion's dating status with Aly Borromeo

Paulo Avelino says that KC Concepcion deserves to be happy. KC is currently dating former Azkals player Aly Borromeo. On the other hand, Paulo Avelino clarified that he is single and is not planning to see someone at the moment.


“I am single. I have no plans of seeing someone for… I don’t know when.”

Ito ang naging sagot ni Paulo Avelino nang matanong kung may girlfriend siya ngayon.

Subalit ayon sa 27-year-old actor, “Pero tingnan natin, hindi naman natin masasabi.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Paulo sa media announcement ng bago niyang teleseryeng The Promise of Forever, sa 9501 Restaurant ng ELJ Building, kahapon, May 2.

Sa teleseryeng ito ay makakasama niya si Ejay Falcon at ang bagong Kapamilya na si Ritz Azul.

Dito ay nahingan na rin ng reaksiyon si Paulo tungkol sa pakikipag-date ng kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion sa dating Azkals player na si Aly Borromeo.

Read: KC Concepcion admits dating former Azkals player Aly Borromeo

Tugon ni Paulo, “She deserves to date someone else, if she’s happy.

“Everyone deserves to be happy, and everyone deserves to maybe find what they’re looking for.”

Ayon pa sa aktor, okay naman sila ni KC at huli silang nagkita noong Century Tuna Superbods event.

BEA ALONZO. Nilinaw rin ni Paulo ang tungkol sa pagkakasama niya sa naging trip nina Enchong Dee at Bea Alonzo sa Singapore.

Matatandaang nakita sa Instagram post ni Enchong nitong nakaraang Marso na magkakasama sila nila Bea, Paulo, at Star Magic handler Monch Navales sa Singapore.

Ilang netizens ang nakapansin dito kaya naman muling naiugnay si Bea at Paulo sa isa’t isa.

Read: Did Paulo Avelino join Bea Alonzo and Enchong Dee in Singapore?

Paliwanag naman ni Paulo, “No, yung nangyari noon kasi, my Singaporean friends invited me.

“Pero si Bea, Enchong, and Ate Monch, pumunta sila ng Sunday ata yun, so nagkita-kita kami ng Sunday.”

Nilinaw rin ni Paulo na hindi siya nakipag-date kay Bea sa Singapore. “No, not at all.”

Matatandaang noong 2015, na-link sina Bea at Paulo nang napabalitang nagkakalabuan ang aktres at ang ex-boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama sina Bea at Paulo sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2015.

Read: Paulo Avelino denies rumored romance with Bea Alonzo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN