Jason Francisco speaks up about basher of wife Melai Cantiveros

Jason Francisco on forgiving a netizen who bashed his wife and their daughter: "Open-minded naman po kami. Nakikinig naman po kami na nagkamali po siya. Ang gusto lang po namin, awareness sa lahat. At least, kahit kami mag-asawa nakapagsalita sa ganitong klaseng isyu, para mabuksan po yung [isip ng] iba. Pero kung patatawarin po, open po [kami], kasi kawawa din naman. Alam mo naman, tao nagkakamali talaga, so kailangan ng second chance talaga."


Nagsalita si Jason Francisco hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanyang asawang si Melai Cantiveros.

Ito ay matapos mag-post sa social media ang komedyana laban sa isang basher na nanlait sa kanya at hiniling na may mangyaring masama sa dalawang taong gulang na anak nila ni Jason.

Binatikos ng nasabing netizen si Melai dahil sa sinusuportahang presidential candidate nito na si former DILG Secretary Mar Roxas.

Maka-Rodrigo Duterte naman ang nasabing netizen na nagngangalang Shawie Constantino Enriquez.

Ipinahayag din ni Melai na balak niyang idemanda ang nasabing basher dahil sa pambabatikos nito sa kanya at sa anak.

Read: Melai Cantiveros plans to sue netizen for malicious post

Sa pinakahuling post naman ng nasabing netizen, sinabi nitong na-hack ang kanyang account at hindi mismo galing sa kanya ang nasabing post na ikinagalit ni Melai.

Read: Melai Cantiveros's basher claims her Facebook account was hacked

JASON SPEAKS UP. Inamin ni Jason na nalungkot siya sa nangyari, pero wala pa raw katiyakan kung itutuloy nila ang pagdedemanda sa netizen.

“Kasi nakapagsalita siya nang masama, pero hindi naman kasi siya nanakit [pisikal], kaya lang nanakit siya ng damdamin,” sabi ni Jason nang makapanayam sa celebrity gathering ng sumusuporta kay Mar Roxas na ginanap sa Mesa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ngayong Martes, May 3.

Si Melai raw ang desididong maghain ng reklamo laban sa netizen.

“Ang reason naman po niya to speak [for] everybody na parang hindi yun basta magsalita na ganun na lang.

“Tsaka yung iba aware na hindi na maulit.

“Hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari kasi siguro mag-usap sila in person.

“Puwede namang hindi matuloy, e. Kaya lang, ang gusto po kasi, mas makita ng tao kung gaano kahalaga yung anti-bullying, tsaka yung pagsasalita ng mga ganung salita.”

Hindi man nila gusto ni Melai na lumabas ito sa balita, iniisip na lang daw nila na paraan ito upang ma-educate ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least yung tao, nakikita po siya, hindi siya isasantabi lang.

“Siguro ito, parang lesson na sa iba, hindi yun talaga maganda talaga.”

Sinabi ni Jason na madaling kausap si Melai. Nauunawaan din daw niya ang sitwasyon ng netizen na balitang isang domestic helper sa Taiwan.  

“Open-minded naman po kami. Nakikinig naman po kami na nagkamali po siya.

“Ang gusto lang po namin, awareness sa lahat.

“At least, kahit kami mag-asawa nakapagsalita sa ganitong klaseng isyu, para mabuksan po yung [isip ng] iba.

“Pero kung patatawarin po, open po [kami], kasi kawawa din naman.

“Alam mo naman, tao nagkakamali talaga, so kailangan ng second chance talaga.”

Dagdag ni Jason, nasa pakikipagtulungan din ng netizen nakadepende kung itutuloy nila ang paghahain ng reklamo o hindi na, depende kung makikipagtulungan at makikipag-usap ang netizen.

Pahayag pa niya tungkol sa naging asal ng netizen, “Siguro sa bugso ng damdamin niya. Tayo may kanya-kanyang sinusuportahan.

“Kasi sa pagkakasabi niya, nabanggit niya ang gusto niyang president.

“Sa sobrang kagustuhan niya, sobra sigurong idol niya, nakapagsalita siya nang masama.

“Hindi siya aware na masama yun. May mga batas ngayon.

“Sabi nga ng asawa ko, okay lang naman, siyempre iba-iba naman tayo ng tingin sa tao.

“Kaya lang, nilait ang hitsura ni Melai.

“Ako siyempre nasaktan.”

Hindi na raw sasabayan ni Jason ang galit ng asawa.

“Sabi ko sa asawa ko, ‘Ayaw na kitang samahan diyan sa galit, kasi kapag dalawa tayo, baka tayo naman ang maging masama.’

“Sabi ko, ‘Susuportahan na lang din kita.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN