Pauleen Luna hits back at basher for insinuating that she likes Alden Richards

Muli na namang sumagot sa isang basher ang actress-TV host na si Pauleen Luna. Inakusahan kasi siyang 'type' daw ang kapwa Dabarkads na si Alden Richards dahil magkadikit sila sa isang larawan.


Hindi napigilan muli ni Pauleen Luna ang sarili na sumagot sa isang basher, kung saan tila binigyan ng malisya ang pagkakadikit nila ni Alden Richards sa isang larawan.

Kuha ang naturang larawan sa birthday party ng ina ng Eat Bulaga! co-host nilang si Ruby Rodriguez.

Ang naturang larawan ay ipinost ng asawa ni Ruby na si Mark Aquino kahapon, May 3.

Sabi ni Mark sa caption: “Family gathering, Mom's 88th Birthday @ninichips @rodriguezruby , AJ @pauleenjlunasotto @aldenrichards02 more blessings , Salamat! For granting mom's request!”

“TYPE NA SIYA?” Isang netizen na nagngangalang @aicelle8 ang nagkomento sa larawang ito at sinabing tila type daw ni Pauleen si Alden dahil magkadikit sila sa picture.

Burado na ang komentong ito sa comment section, pero hindi pinalampas ni Pauleen na buweltahan ang netizen.

Ayon sa asawa ni Vic Sotto, bakit kailangan bigyan ng malisya ang naturang larawan gayong magkakabarkada naman sila sa noontime show.

Litanya ni Pauleen: “@aicelle8 Excuse me? Pag dumikit ba ang isang tao sa isang tao ibig sabihin 'type' na siya?

“Hindi ba puwedeng magkapatid/magkaibigan?

“Siguro wala kang kaibigan na close mo kaya hindi ko alam. Sobra naman yung mga ganyang comments.

“Ako ba nagagalit kapag nagyayakapan si Vic at Ruby? My gosh. Konting lawak lang ng isip please. Hindi na tama 'yan.

“Kung gusto niyo lahat kami lumayo kay Alden at wala nang kumausap at lumapit sa kanya, grabe kayo.

“Dapat nga masaya kayo that we are good friends with him and he has found friends in us dabarkads!

“Hay. God bless you na lang.”

Nauna nang na-bash si Ruby dahil sa naging komento nito pagkatapos niyang i-post ang larawan ni Alden at ng kanyang ina noong kaarawan nito.

Read: Ruby Rodriguez gets bashed by AlDub fans for being 'insensitive'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN