Nadine Lustre on being in love: "Ang sarap gumising sa umaga kasi makikita ko siya."

"Mas cool siya off-cam," Nadine Lustre describes her boyfriend James Reid. James is asked in turn, is she the one? "Yes, of course," comes his quick reply.

 


Magkasamang tuwa at pangamba ang naramdaman ni Nadine Lustre kahit naging matagumpay ang premiere ng bagong pelikula nila ni James Reid, ang This Time, nitong Martes, May 3, sa SM Megemall.

Paliwanag ni Nadine, “Nakaka-pressure pa rin po siyempre, ewan ko, sobrang overwhelming lang po. 

“Kanina, habang naglalakad, hindi na po namin marinig ang sarili namin habang nagsasalita.”

Sa sobrang dami ng tao, marami ang hindi nakapasok sa sinehan at nagtiyaga na lang maghintay sa lobby para makita ang JaDine loveteam.
 
Napakarami rin daw block screenings na inorganisa ng mga fans nila.

Noong premiere night pa lang ay nasa 70 na raw ang bilang ng block screening ng This Time nationwide.
 
Sabi ni Nadine, “Oo nga po, maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagpa-block screening.

“Thank you po sa lahat ng Jadine, we can’t thank you enough.”

Ang ilang fans naman nila sa ibang bansa ay nagpapadala raw ng pera para sa mga fans sa Pilipinas na walang pera at hindi kayang magbayad sa sinehan.
 
“Grabe, ibang klase po sila. Wala kaming masabi, sobrang thankful lang po talaga kami na ganun sila,” pahayag ng Viva star.

Proud naman si Nadine sa kabuuan ng pelikula nila dahil ibang-iba raw ito sa mga nagawa na nila.
 
Sabi nga niya, “Kikiligin po sila at after nilang panoorin, may pag-asa, parang ganun. 

“Ako po kasi, yun po ang naramdaman ko after nitong movie.”

SO IN LOVE. Sa kabilang banda, wala naman daw nakikitang pagbabago si Nadine sa pagsasama nila ni James sa pelikula ngayong real-life couple na sila.
 
Saad ni Nadine, “Nothing's changed, same pa rin naman.

“Pero siyempre, kapag gigising ka sa umaga, like ako, ang sarap gumising sa umaga, kasi makikita ko siya.”
 
Ano nga ba ang kaibahan ni James sa harap at likod ng camera?
 
“Mas cool siya off-cam,” nakangiting sabi ni Nadine.
 
Nang tanungin si James kung si Nadine na ba ang 'the one' para sa kanya, “Yes, of course” ang naging tugon ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumango lang naman si Nadine nang ibalik sa kanya ang parehong tanong kung si James na ang 'the one' para sa kanya.
 
Sa May 12 naman ay aalis na muli sina Nadine at James para sa kanilang world tour. Sa pagkakataong ito ay ilang lugar naman sa Amerika ang destination nila.
 
May mga bago raw silang lineup sa kanilang production number.
 
Magre-release din daw sila ng JaDine book tungkol sa dating.
 
Pero bago sila umalis, magse-celebrate muna si James ng kanyang birthday sa May 11.
 
Ano ang mga preparasyon ni Nadine para sa birthday ng boyfriend?
 
“Secret!” natawang sagot niya. “Malalaman po niya kapag nagbigay ako ng clue, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN