Marjorie Barretto on daughter Julia's showbiz career: "I'm not nababagalan, hindi rin ako nabibilisan."

Marjorie Barretto on seemingly snail-paced career of her daughter Julia: "Mahirap kasi yung masyadong mabilis. It's also overwhelming when it's too fast and the pressure is really so high. I would rather that she be known na isang magaling na aktres than yung all the hype na hindi naman pangmatagalan."


Satisfied daw si Marjorie Barretto sa takbo ng career ng kanyang anak na si Julia Barretto sa ABS-CBN.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mahirap kasi yung masyadong mabilis.

“It’s also overwhelming when it’s too fast and the pressure is really so high.

“So I’m not nababagalan, hindi rin ako nabibilisan.

“I’m just… I trust that they will handle her properly.

“There are good plans, there are big plans for her, so I trust them.”

Naniniwala siyang maayos ang pagma-manage ng Star Magic sa career ni Julia?

Tugon niya, “The future looks bright, e.

“I think we’re going in the right direction now.

“So I’m a little bit more at peace now with the way her career will go.”

Hindi siya nag-iisip na tila mas nabibigyan ng pagkakataon ang ibang female stars ng ABS-CBN?

Ayon kay Marjorie, “No, I believe na everybody has their own time, e.

“Panahon talaga ni ganito o ni ganyan, wala tayong magagawa, we cannot fight that.

“I mean, we have to respect God’s timing for everybody.

“I really don’t wanna push tapos hindi magiging successful, di ba?

“It’s really a matter of finding the right formula for her.

“I’m just so glad that with her past teleserye, nakilala siya bilang aktres na.

“Kasi there was that… people were doubting her, but I believe…

“I don’t know if just as a mother, pero napakita niya her potential.

“So I would rather that she be known na isang magaling na aktres, like Claudine, di ba?

“Than yung all the hype na hindi naman pangmatagalan.

“I think she wants to stay in the business, so I’m really not all for the hype.

“I want her to just be good at what she’s doing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARJORIE'S SISTERS. Hiniling naman ni Marjorie na huwag na sanang pag-usapan pa ang tungkol sa mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto.

“I don’t wanna talk!” at tumawa si Marjorie.

“No, I’m fine naman with everybody, but I really don’t wanna talk about it para hindi na mabuhay ang mga isyu.”

Pero masasabi ba ni Marjorie na mas maayos ngayon kaysa noon ang sitwasyon sa pagitan nila ng kanyang mga kapatid?

Tugon niya, “Ako, I’m a better person, I can only speak for myself.

“I’m more at peace now naman than I was two years ago, may two years na rin 'yan.”

Ang tinutukoy niya ay ang mga isyung kinasangkutan nilang magkakapatid at pamilya.

Dahil nalalapit na ang Mother’s Day, tinanong si Marjorie kung ano ang pagkakaiba o pagkakatulad ng relasyon o samahan nilang magkakapatid noon sa relasyon o samahan ng kanyang mga anak ngayon.

Sagot niya, “Kaming mga magkakapatid, we’re so strong to the point na minsan yung opinions namin… nagkaka-conflict pa.

“Yung mga kids ko, hindi ko nakikitang may conflict, e. I don’t see them fight.

“Maybe it’s because they all sleep in one room so they have no choice but to be friends.

“It’s like a dorm-style, I made it that way aside from, of course, para makatipid sa aircon.

“Tapos pag magkakasama sila, walang pag-aawayan na hindi pag-uusapan.

“So, so far, nakikita kong hindi sila ma-conflict katulad namin.

“Walang tampuhan na matagal, walang ganun. That’s how I see how different they are.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN