Regine Velasquez answers 'nose job' rumor in funny video message

Isang nakatutuwang video ang in-upload ni Regine Velasquez sa kanyang Instagram ngayong araw, May 4. Nilinaw niya sa naturang video ang katotohanan tungkol sa kanyang pagpaparetoke raw ng ilong.


Idinaan na lamang sa biro ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang pagsagot sa hindi pa rin mamatay-matay na isyung nagparetoke raw siya ng kanyang ilong.

Sa pamamagitan ng Instagram post ngayong araw, May 4, sinagot na ng Poor Señorita star ang mga pagdududa sa pamamagitan ng isang video na may hashtag na #RegineRetokada.

Sa video, may kunyaring nagtanong kay Regine tungkol sa isyu: “Miss Reg, nagpagawa daw kayo ng ilong?”

Sagot ni Regine: “You are so right. Ayan, o, pinatanggal ko na para wala nang tsismis.”

Gamit ang isang app, nagmukhang wala talagang ilong ang Asia's Songbird sa naturang video.

#RegineRetokada ?????????

A video posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN