Sancho delas Alas reveals mom Ai-Ai is more excited for the arrival of his baby

Sancho deals Alas says his coming baby brings him luck, "Suwerte kami roon sa baby kasi parang nagkaroon po ng tuloy-tuloy na project… Mas magiging focus ako sa career."


Magiging ama na si Sancho delas Alas, pero tilas mas excited pa raw ang kanyang ina na si Ai-Ai delas Alas kaysa kanya.

Aniya, “Eto po ang unang apo, kaya sobrang excited talaga siya.”

Last month sinabi ni Sancho at ng girlfriend niya for two years na si Shanna Retuya kay Ai-Ai na buntis na ang huli 

Kuwwnto ni Sancho, “Shocked nang sinabi ko, pero noong umalis na ako ng bahay, she started texting tungkol sa name.

“'Nak may naisip ka na bang pangalan kung baby boy or kung baby girl?'”

Pati raw sa pagpapa-checkup ni Shanna ay nagpiprisinta pa si Ai-Ai na samahan ito.
 
“Sobrang willing ni Mama, grabe! Sabi niya, ‘Anak, ako na sasama kay Shanna pag may work ka.’

“Tapos recently nag-Guam siya, namili siya ng mga bib at kumot na pang-baby.”  

Pati raw pag-aalaga ng baby, excited na ang mama niya, “Gustong gusto niya po.

“Sabi niya, ‘Anak, ha, minsan iwan mo sa akin ang apo ko.’

“Sabi ko, ‘Oo naman.’ Ganoon siya ka-excited, e.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho  sa blessing ng bagong opisina ng BG Productions International ng lady producer na si Baby Go, sa Mandaluyong City, noong Huwebes, May 5.

WEDDING PLANS. Ayon pa sa panganay na anak ni Ai-Ai, lahat sa kanila ay excited sa bagong dagdag sa kanilang pamilya.
 
“Gusto nga pong umuwi ni Pia, ‘Hintayin mo pagdating namin diyan, marami kaming pasalubong para doon sa baby.’
 
“Kahit din po yung lola ko, sabi niya, ‘Sana maabutan ko yung apo ko sa tuhod.’ Lagi niya ring kinakamusta si Shanna.”  
 
Ilang buwan na ba ang dinadala ni Shanna?
 
Ayon kay Sancho, “Seven weeks po.

“Dati siyang nagmo-model, pero since bed rest siya ngayon, stop po muna lahat.

“Buhay-prinsesa siya sa bahay!”
 
Ano ang gusto niyang maging first baby nila, boy o girl?
 
“Boy sana, para kunwari mawala,” sabay knock on wood, “kung maaga akong mawala, mayroon pa rin pong lalaki na magbabantay sa family ko.”
 
Plano raw nilang magpakasal pero malamang daw ay pagkatapos nang manganak ni Shanna.
 
“Ang original plan po was bago pa manganak, kaso iniisip po namin very fragile pa po yung baby.
 
“E, ang dami pong kailangan asikasuhin for wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka kakaasikaso namin ng wedding, may mangyari doon sa baby.
 
“Pero plano na po talaga namin magpakasal pero hindi pa po ganoon ka-sure.

“E, since nandiyan na po yung baby, gusto ko rin po na dala ng anak ko yung apelyido namin.”

INSPIRED. Ayon pa kay Sancho, mas ganado siyang magtrabaho ngayon dahil malapit na siyang maging daddy.
 
“Super, as in excited po, kahit anong work, oo agad!
 
“Mas magiging focus ako sa career ko dahil yun nga po, excited ako since magkakaroon na ng baby.
 
“And feeling namin, suwerte kami doon sa baby, kasi parang nagkaroon po ng tuluy-tuloy na project.”

Bukod sa afternoon series na Wish I May sa GMA-7, nakatakda ring gawin ni Sancho ang pelikulang Area ng BG Productions.

Tatampukan ito nina Ai-Ai at Allen Dizon at ididirek ni Louie Ignacio.
 
Nagpapasalamat daw siya kay Baby Go sa pagkakataong ibinigay sa kanya para sa unang sabak niya sa pelikula.
 
Saad ni Sancho, “Very proud and very happy, tsaka excited po ako, kasi eto yung pinaka-first work ko na seryoso and di po siya sa TV.
 
“Bale si Allen, ang dami na niyang international award sa Best Actor, kaya medyo nape-pressure nga po ako.

“Kailangan ko pong i-step-up yung trabaho, since yun nga po, bago lang akong artista and mapapasama ako sa ganitong project.

“So, kailangan ko pong i-step-up yung pagiging artista ko.
 
“Next month pa po yung shooting ulit ng Area, kasi mayroon pa pong tinatapos na movie si mama, under Regal, iyong Mighty Yaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN