Sancho delas Alas and girlfriend lose their baby

Malungkot na ibinalita ni Ai-Ai delas Alas na kasalukuyang inooperahan sa isang ospital sa Mandaluyong City si Shanna Retuya, ang girlfriend ng kanyang anak na si Sancho Vito delas Alas dahil sa blighted ovum. Ibig sabihin ay hindi na matutuloy ang pagiging lola ng Comedy Queen.


Hindi na matutuloy ang pagiging lola ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Malungkot na ibinalita ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kasalukuyang inooperahan sa isang ospital sa Mandaluyong City si Shanna Retuya, ang girlfriend ng kanyang anak na si Sancho Vito delas Alas.

“Naiiyak ako,” sabi ni Ai-Ai.

Anembryonic gestation o blighted ovum ang dahilan ng biglaan na operasyon sa girlfriend ni Sancho.

Ayon sa americanpregnancy.org, “A blighted ovum happens when a fertilized egg attaches itself to the uterine wall, but the embryo does not develop. Cells develop to form the pregnancy sac but not the embryo itself.

“A blighted ovum occurs within the first trimester, often before a woman knows she is pregnant. A high level of chromosome abnormalities usually causes a woman’s body to naturally miscarry.”

Apektadong-apektado si Ai-Ai sa nangyari dahil excited na siyang maging lola.

Pero doble raw ang kalungkutan na nararamdaman ng kanyang anak at ng girlfriend nito.

EXCITED DAD-TO-BE. Sa interview ng PEP kay Sancho sa blessing ng bagong opisina ng BG Productions International Inc., noong Huwebes, May 5, masaya pa siyang nagkuwento tungkol sa pagbubuntis ni Shanna at sa excitement ng kanyang ina.

Lahad ni Sancho, “Nang mag-abroad si Mama recently, nag-shopping siya for the baby.

“Ako ang nagugulat dahil meron na agad bibs, kumot, mga damit...

“Sabi niya, ‘O, anak, ha, anything na kailangan mo, sabihin mo lang.’

“Full support si Mama. First apo kasi very excited siya.”

Walang takot o kaba na naramdaman si Sancho nang malaman nitong buntis ang girlfriend niya dahil mas umiral ang excitement.

“Excited ako sa thought na magiging daddy na ako.

“Hindi naman sa matagal ko nang gustong maging daddy pero mahilig talaga ako sa bata.

“Super inspired ako ngayon. Kahit anong dumating o tawag para sa work, 'O, sige, okay, go agad.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako na mismo ang nagsasabi sa handler ko na kapag may mga raket, any work na puwede ako, ‘Ipasa mo ako kasi kailangan ko na kumayod nang kumayod kasi I’m going to be a dad. Kailangan ko ng pambili ng gatas at diapers.”

Pero walang kamalay-malay si Sancho na makalipas ang isang linggo, mapapalitan ng kalungkutan ang kaligayahan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN