Ai-Ai delas Alas saddened by miscarriage of son Sancho's girlfriend

Sancho delas Alas on girlfriend Shanna Retuya's miscarriage: "Saturday po namin nalaman nung humingi po kami ng second opinion sa ibang doctor. Twelve weeks na pong pregnant si Shanna, pero ang register sa ultrasound, six weeks pa din. Hindi nag-progress yung baby. Blighted ovum."


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na nakunan si Shanna Retuya, ang girlfriend ng panganay niyang anak na si Sancho Vito delas Alas.

Text ng Kapuso Comedy Queen nang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nangyari kay Shanna, “Oo, nakunan siya. Blighted ovum.”

Ayon sa Google, “A blighted ovum occurs when a fertilized egg implants in the uterus but doesn’t develop into an embryo. It is also referred to as an anembryonic (no embryo) pregnancy and is a leading cause of early pregnancy failure or miscarriage.”

Halos dalawang buwan pa lamang ang ipinagbubuntis ni Shanna.

Nabanggit na noon ni Ai-Ai na nakatakda itong i-check-up dahil wala pa ring heartbeat ang nasa sinapupunan nito.

Ilang linggo rin munang pinag-bed rest ang girlfriend ni Sancho, kaya pinatuloy muna sila ni Ai-Ai sa tahanan nito para mabantayan nang mabuti ang kalagayan ni Shanna.

Sabi pa ni Ai-Ai, “Two months na yata at walang heartbeat, e.

“Actually, walang baby, may sac pero walang laman.”

Ayon pa sa komedyana, kahapon ay inoperahan na si Shanna.

“Tinanggal yung sac and placenta. Wala namang bata sa loob, e,” sabi niya.

Nalungkot daw sila sa nangyari, pero tinanggap nilang maluwag sa kalooban dahil naniniwala silang may iba pang mas magandang plano ang Diyos para sa kanila.

Sa hiwalay na mansahe ni Sancho sa PEP contributor na si Nonie Nicasio, sabi nito, “Saturday po namin nalaman nung humingi po kami ng second opinion sa ibang doctor. Twelve weeks na pong pregnant si Shanna, pero ang register sa ultrasound, six weeks pa din. Hindi nag-progress yung baby. Blighted ovum.”

INSTAGRAM POSTS. Kamakalawa ay nag-post naman si Ai-Ai ng ganitong mensahe sa kanyang Instagram account:

“God’s plan is always the best. Sometimes the process is painful and hard. But don’t forget that when God is silent, He’s doing something for you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa caption nito ang mensahe niya para kina Sancho at Shanna.

Aniya, “GOD’s PLAN IS ALWAYS THE BEST… @sanchovito @shaningaling, I love you both. I am always  here for you mga bebes.”

Sumagot dito si Shanna ng: “Love you tita. Thank you dahil anjan kayo palagi.”

Noong Lunes, May 9, nag-post din si Shanna sa kanyang Instagram account ng mensahe mula sa Bible:

“For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future; Jeremiah 29:11”

Si Sancho naman ay nag-post din ng mensahe sa kanyang Instagram account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN