YouTube sensation Balang stars in his first teleserye

Sumikat si John Phillip Bughaw, na mas kilala sa pangalang Balang, dahil sa kanyang mga viral dance video na naging daan para lumabas siya ng tatlong beses sa Ellen, ang sikat na talk show ni Ellen DeGeneres sa Amerika.


Ipinakikilala si John Phillip Bughaw sa Magkaibang Mundo, ang bagong afternoon teleserye ng GMA Network na magsisimula sa May 23.

Tampos dito ang Kapuso stars na sina Louise delos Reyes at Juancho Trivio.

Sumikat si John, na mas kilala sa pangalang Balang, dahil sa kanyang mga viral dance video na naging daan para lumabas siya ng tatlong beses sa Ellen, ang sikat na talk show ni Ellen DeGeneres sa Amerika.

Naging Internet sensation si Balang na artista na rin ngayon tulad ng kanyang idol na si McNeal Briguela a.k.a. Aura.

Sa presscon ng Magkabilang Mundo kagabi, May 12, wagas na ipinakita ni Balang ang panggagaya niya sa famous facial expression ni Aura, na lumalabas na ngayon sa FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

COMMUTER. Ipinagmalaki ni Balang na marunong siyang umarte sa mga eksena niya sa Magkaibang Mundo.

Magkano ang talent fee niya sa Magkaibang Mundo?

“Bawal po sabihin, sabi ng Mama ko po…

“Nakakaipon na po ako. May card [ATM card] na po ako na naipon.”

Nakatira si Balang at ang pamilya nito sa Bacoor, Cavite.

Kapag may mga television guesting siya, sumasakay sila ng mga kasama niya sa MRT para makarating sa kanilang mga pupuntahan dahil hindi pa nila kayang bumili ng sariling sasakyan.

Kuwento ng baguhang child actor, “Ngayon po, uuwi kami, magte-train kami, sa Taft Avenue po kami bababa.

“Masikip po sa MRT kapag marami. Nakikilala na po ako ng mga pasahero.”

ELLEN GUESTING. Tatlong beses nang lumabas si Balang sa show ni Ellen at ayon sa kanya, mabait sa kanya ang American television host.

Ano ang sabi sa kanya ni Ellen?

Sagot ni Balang, “Hindi ko po maintindihan kasi Inglesera siya. Mabait po siya sa akin.”

Binigyan ba siya ni Ellen ng pera?

“Card po na pera. Babalik po ako sa Amerika pero hindi na sa Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa… sa… ano ba ‘to? Hindi ko na maalaala.

“Sige po... basta po Amerika po.”

Alam ni Balang na napanood ni Justin Bieber ang dance video niya ng “Sorry,” ang hit song ng sikat na Canadian singer.

Ang 28 million views ng “Sorry” dance video ni Balang ang dahilan kaya muli siyang inimbitahan na mag-perform sa show ni Ellen sa pangatlong pagkakataon noong February 2016 .

Nagkita na ba sila ni Justin?

“Hindi po, pero sabi niya, ‘Kills it,’ nang mapanood niya ang video ko,” sabi ni Balang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN