Louise delos Reyes looks forward to meeting Maine Mendoza amid bashing issue

Aminado si Louise delos Reyes na pinatatag na siya ng bashing kaya naging palaban siya sa mga ito lately. Masaya naman siyang napanatili nila ni Alden Richards ang kanilang pagiging magkaibigan kahit may kanya-kanya na silang kapareha.


Ang pagiging Caviteña raw ang dahilan kung bakit palaban si Louise delos Reyes sa kanyang bashers.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas nang putaktihin si Louise ng bashers, lalo na ang ilang AlDub fans kung saan pinagduduhan nilang nagpaparamdam daw palagi ang 23-year-old actress kay Alden Richards.

Pahayag ni Louise, “Caviteña. It runs in the blood. Caviteña, e.

“[Kuyog sila?] Opo, nakakapuno naman talaga.

“Minsan wala na silang ano, e, wala na sa ayos yung sinasabi nila.

“Tapos ang ganda-ganda ng picture, ang ganda-ganda ng sinasabi mo about the picture, ang dami-dami nilang sinasabing masama.”

Minsan na rin siyang nakipagsagutan sa ilang fans dahil sa ibinabatong akusasyon sa kanya.

Ngayon, natutunan na raw niya ang 'art of deadma,' huwag lang daw idamay ang kanyang pamilya.

Paliwanag ni Louise, “Hindi na. Pero there’s a time na sobrang naiinis ako kasi hitting below the belt.

“And I cannot just take that, slip it away na gaganunin nila ako.

“Kasi everything that I have now, kahit naman sa lahat ng tao, ay pinaghihirapan ko naman lahat.

"Ayun, huwag lang talaga idadamamy ang pamilya ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enteratinment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Louise sa grand presscon ng bago nitong pagbibidahang panghapong teleserye sa GMA-7, ang Magkaibang Mundo, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, kagabi, May 12.

Makakasama rito ni Louise bilang ka-love team si Juancho Trivino.

(The cast members of Magkaibang Mundo from left to right: Rez Cortez, Maricar de Mesa, Assunta de Rossi, Gina Alajar, Dion Ignacio, Louise, Juancho, Isabelle de Leon, Liezl Lopez, Mike 'Pekto' Nacua, Marika Sasaki, Balang, and director Mark Sicat dela Cruz.)

LOOKING FORWARD TO MEET MAINE. Si Alden ang pinakaunang ka-love team ni Louise sa telebisyon, sa teleseryeng Alakdana noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula noon, napanatili raw nila ang kanilang pagkakaibigan.

Saad ni Louise, “Opo, hanggang ngayon. Hindi naapektuhan [ng AlDub bashers].

“We’re still friends and I’m very happy kung ano yung natatanggap niya ngayon na mga projects, kasi nakita ko kung paano niya pinaghirapan po lahat yun.”

Pero para sa mga fans nina Alden at Maine Mendoza, na mas kilala sa tawag na AlDub, hindi pa rin daw maka-move on si Louise kay Alden.

Sinasabi rin ng mga ito na ang mga post daw ni Louise sa Instagram ay tila pagpaparamdam sa dating ka-love team.

Depensa ng Kapuso actress, “E, hindi naman natin mapi-please lahat ng tao, hindi naman natin masasabi at madi-defend ang sarili natin sa lahat ng tao, kasi mahirap, e.

“Ako, I’m just posting whatever I feel posting.”

Sabi pa ni Louise, gusto rin niyang ma-meet si Maine.

“Hindi pa. I’ve never met her. Wala ding chance.

“Oo naman. I think she’s a nice girl and hardworking, kasi nakikita niyo naman kung anong tinatamasa niya ngayon.

“And I heard a lot of good things about her.”

NOT TAKEN. Samantala, kahit napapabalitang may espesyal na relasyon sila ng Hale vocalist na si Champ Lui Pio, mariin pa rin itong itinanggi ni Louise.

Sabi niya, “We’re friends. We’re just friends.

“Opo. Wala. And I’m a fan of Hale kasi kaya siguro nabibigyan ng kulay.

“Hindi ako taken. Committed ako ngayon sa trabaho.

“Yung love, darating din tayo dun, e. May tamang panahon para diyan, di ba?

“This year for myself and my work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN