Is Louise delos Reyes ready to pose sexy in men's magazines?

Payat at sexy na ang Kapuso actress na si Louise delos Reyes. Gusto na raw kasi niyang makaalpas sa tween image dahil hindi na raw siya bumabata.


Marami ang nagulat sa payat at sexy na Louise delos Reyes nang humarap sa press nitong nakaraang Huwebes, May 12, para sa grand presscon ng kanyang pagbibidahang serye sa GMA na Magkaibang Mundo.

Malayo kasi ito sa dati niyang itsura na medyo malaman ilang buwan na ang nakaraan.

Bakit nga ba pinag-iigihan niya ang pagpapa-sexy ngayon?

“Kasi I’m turning 24 this year, hindi na rin ako bata," sagot ni Louise.

"So parang it’s time for me to show more skin.

“Para din ano, mahiwalay na din ako sa image ng tween.”

Ibig bang sabihin na handa na siyang mag-pose sa FHM o iba pang men’s magazines?

Tugon ng dalaga, “Hindi pa naman. Pero I’m very much open naman sa mga offers.

“Pero sa ngayon po kasi gusto ko po kasi na mas maging lean, hindi naman sa maging sexy.”

Ano na ang mga kaya niyang gawin ngayong na-achieve na niya ang gusto niyang pangangatawan?

Saad ni Louise, “Nag-start na ako magbiki-bikini sa mga beach, mga ganyan. Dati kasi hindi ako confident, chubby-chubby.

“Now I’m very more [confident] … and healthy na rin kasi.

“34-25-36. Pinaghihirapan sa gym at saka diet.”

May nakapansin naman na medyo lumaki ang kanyang boobs. Pinaayos ba niya ito?

Natatawa niyang sabi, “Nakaano lang po, super push-up lang talaga siya, medyo may ipinaglalaban po ang dibdib ko, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN