Liza Diño hits back at ''relihiyosong'' bashers

Liza Diño reacted strongly to so-called "religious" bashers who posted defamatory remarks on an online article about her recent "second honeymoon" with husband Aiza Seguerra. Liza reiterated that no one can stop her from fighting for the rights of the members of the LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community.


Binuweltahan ni Liza Diño ang mga netizens na nambash sa kanila ng kanyang asawang si Aiza Seguerra.

Sa isang artikulo ng ABS-CBN tungkol sa “second honeymoon” nina Liza at Aiza, maraming hindi kanais-nais na mga salita ang bumuhos sa comments section.

Kahapon, May 14, hindi na napigilan ni Liza na ipahayag ang kanyang saloobin sa mga bastos na komento mula sa mga “relihiyosong” bashers.  

Nag-post siya ng screen capture ng naturang artikulo at caption niya rito: “Naglabasan na naman ang mga walang bahid ng kasalanan dahil sa article na 'to.

“Wagas ang mga comments ninyo! Ano, Masaya na kayo? 

“Kung ituring ninyo ang sarili ninyo, kala mo kung sinong "relihiyoso" pero kung makapagsalita, punong-puno ng poot at kabastusan ang bunganga dahil lang hindi naaayon sa inyong paniniwala ang aming pagkatao.

“Nakakatawa because the more we read about your BIGOTED comments, your piercing spews of bible verses, your curse words na talaga namang tagos sa buto, mas lalo lang naming narerealize kung gaano naming kailangang magpakatatag upang ipaglaban ang aming karapatang mamuhay ng malaya at pantay sa paningin ng iba.”

Wala rin daw makakapigil kay Liza sa pakikipaglaban niya na mabigyan ng respeto sa lipunan ang karapatan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community.

Saad ng aktres, "You think your bashing would stop us from living our lives freely and openly? 

“Go ahead magpakasawa kayo! 

“Yes, we are a transgender family and we EXIST.

“Sampu ng buong LGBT community dito sa Pilipinas, hindi kami titigil hangga't hindi kinikilala ang aming karapatang mamuhay ng marangal at may dignidad.

“MAUMAY NA KAYO pero isusulong namin ang laban tungo sa pagkakapantay-pantay. 

“So yes, we call this a HONEYMOON.

“Yes, he is my HUSBAND. Yes, I am his WIFE.  Can't accept it? 

“DEAL WITH IT.  WE ARE HERE TO STAY. #LoveWins #LovesKnowsNoGender #GenderEquality #PositivePhilippines”

Naglabasan na naman ang mga walang bahid ng kasalanan dahil sa article na 'to. Wagas ang mga comments ninyo! Ano, Masaya na kayo? Kung ituring ninyo ang sarili ninyo, kala mo kung sinong "relihiyoso" pero kung makapagsalita, punong-puno ng poot at kabastusan ang bunganga dahil lang hindi naaayon sa inyong paniniwala ang aming pagkatao. Nakakatawa because the more we read about your BIGOTED comments, your piercing spews of bible verses, your curse words na talaga namang tagos sa buto, mas lalo lang naming narerealize kung gaano naming kailangang magpakatatag upang ipaglaban ang aming karapatang mamuhay ng malaya at pantay sa paningin ng iba. You think your bashing would stop us from living our lives freely and openly? Go ahead magpakasawa kayo! Yes, we are a transgender family and we EXIST. Sampu ng buong LGBT community dito sa Pilipinas, hindi kami titigil hangga't hindi kinikilala ang aming karapatang mamuhay ng marangal at may dignidad. MAUMAY NA KAYO pero isusulong namin ang laban tungo sa pagkakapantay-pantay. So yes, we call this a HONEYMOON. Yes, he is my HUSBAND. Yes, I am his WIFE. Can't accept it? DEAL WITH IT. WE ARE HERE TO STAY. #LoveWins #LovesKnowsNoGender #GenderEquality #PositivePhilippines https://www.facebook.com/abscbnNEWS/posts/10154017428700168

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN