Kathryn Bernardo not sure about being paired with James Reid

Kathryn Bernardo takes into consideration what fans would say if she's paired with James Reid, "Hindi ko alam. Kasi alam naman natin na may kanya-kanyang fan groups. So parang… respect. Feeling ko yun sa kanya-kanyang fans namin."


Isa sa umagaw ng atensyon sa nakaraang 47th Guillermo Mendoza Memorial Awards Night ay ang kumalat na photos sa social media kung saan magkakasama sina Daniel, Kathryn, at James Reid.

May ilang fans na nag-experiment at pinagsama sa isang picture sina Kath at James. May mga nagkomento na bagay ang dalawa.

Bukas naman daw kaya ang aktres na makatambal sa isang proyekto si James kung sakaling may mag-offer sa kanila?

“Working with James? Hindi ko alam kasi alam naman natin na may kanya-kanya ring fan groups. So parang… respect. Feeling ko yun sa kanya-kanyang fans namin. ‘Di ko alam,” sagot ni Kathryn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippin Entertainment Portal) at Cinema News ang tinaguriang “Teen Queen” sa nakaraang Mother’s Day event ng Lifestyle Channel at isang magazine, kunsaan naging cover siya at ang kanyang inang si Min Bernardo para sa May issue nito.

NO SOCIAL MEDIA FOR NOW. Samantala, binawalan daw si Kath ng Mommy Min na huwag na munang magbukas at magbasa ng social media.

Kabilang kasi sila ng kaparehang si Daniel Padilla sa paboritong i-bash mula noong magsimula ang campaign period hanggang sa matapos na ang eleksyon ngayong taon.

“Sila rin ang nag-ano sa akin na bawal muna ng kahit ano ngayon. So feeling ko, mas okey din yun  na ‘di na lang pansinin. Maraming dapat bigyan ng time kaysa sa mga ganung bagay,” pahayag ni Kathryn.

Sinusunod ni Kathryn ang ina sa mga utos nito, pero aminado ang young actress na katulad ng ibang mother-daughter relationships, hindi rin sila perpekto. Dumarating ang mga sandaling nagkakaroon din sila ng tampuhan.

“Wala namang perfect relationship sa mag-nanay, pero ang importante dun, may natutunan kami sa lahat ng nangyayari. Sobrang open kasi ako kay Mama. Siya yung pinakatao na kilala ako sa lahat.”   

MOTHER’S DAY CELEBRATION. Sa katatapos na Mother’s Day, ikinuwento ni Kath na simple lang ang naging selebrasyon nila ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-dinner lang kami, kasi nag-ASAP pa ako nung umaga. May three days pa akong kaunti bago mag-start yung movie.

“Bago kami umalis for the movie and bago mag-grind na, sinasagad na namin yung time with the family. Kumpleto kaming magkakapatid, so why not, ‘di ba?

Kay Karla Estrada na mommy naman ni Daniel, may gift din siya?

“No, nag-send lang ng flowers, flowers lang,” sagot ni Kathryn.

KISSING SCENE FINALLY HAPPENING? Huling napanood ang Kathniel sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, malapit na sila uling mapanood ni Daniel sa pelikulang pagtatambalan sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan kung saan malaking porsiyento ng pelikula ay kukunan sa bansang Spain.

“We’re very excited kasi first time naming dun. Maglu-look test na, gagawin na naming lahat soon, so mag-i-start na talaga. Excited ako na mapanood lahat ng mga tao yun, ang daming dapat abangan sa movie na yun,” sabi ni Kathryn.

Mapapanood na ba sa pelikulang ito ang inaabangang kissing scene nila ni Daniel?

“Sabi ko may ibang sit down meeting yun kasama sila Tita Karla, si Mama, sila Tita Lulu [Romero, her road manager],  Star Magic, lahat ng mommies.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN