Marlo Mortel sees bright side of love-team breakup with Janella Salvador

Marlo Mortel says the breakup of his loveteam with Janella Salvador has opened windows of opportunities for him, "Kung ako ang ka-love team niya ngayon, hindi ako magkakaroon ng chance na maging host sa Umagang Kay Ganda at hindi rin ako magkakaroon ng chance na ituloy talaga kung ano yung gusto ko, which is singing."


Aminado si Marlo Mortel na nami-miss niya ang dating ka-love team na si Janella Salvador.

Ayon sa young actor, may pinagsamahan na kasi sila ni Janella.

"Siyempre naman po, kasi biruin mo, ang tagal na naming magkasama. At saka iba talaga yung friendship na namin talaga, sobrang tight na talaga namin."

Nagkatambal ang dalawa noong 2012 sa Be Careful With My Heart. Ngayon, si Elmo Magalona na ang screen partner ni Janela.

Sa pagpapatuloy ni Marlo, "Kahit na noong sila na ni Elmo Magalona, talagang sinasabi niya na mas kumportable pa rin talaga siya sa amin.

"Pero ako naman kasi, tinanggap ko na lang iyon, e. Okay na sa akin iyon.

"At least, biruin ninyo kung ako ang ka-love team niya ngayon, hindi ako magkakaroon ng chance na maging host sa Umagang Kay Ganda at hindi rin ako magkakaroon ng chance na ituloy talaga kung ano yung gusto ko, which is singing.

"Iyon talaga ang pinasok ko sa showbiz, kaya masayang-masaya ako ngayon.

"Na sana sa We Love OPM, maipakita ko iyong boses ko. Na roon ay makahiwalay na ako bilang ka-love team lang ni Janella, na magkaroon ako ng sarili kong pangalan bilang isang singer/actor/TV host."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa selebrasyon ng third year anniversary ng fans club niyang Marlo??s World na ginanap sa The Lounge, 243 Bellagio Square, Sct. Fuentebella cor. Tomas Morato, noong May 14.

NEW LOVETEAM? Dito??y sinabi rin ni Marlo na okay din sa kanyang magkaroon ng bagong ka-love team.

"Oo naman, oo naman. Open naman tayong magkaroon ng bagong ka-love team, wala namang problema roon.

"Pero hindi naman ibig sabihin na kapag may bagong ka love-team ay kakalimutan ko na si Janella, hindi ba? Hindi naman ganoon, of course,?? esplika pa ng tinaguriang Boyfie ng Bayan.

Kung papipiliin ka between singing and acting, saan mo gustong mag-focus?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng binata, "Well, ang isinisigaw talaga ng puso ko, of course, singing talaga. Pero nang napasok ako sa showbiz, napamahal na ako sa acting.

"Honestly, siyempre kailangan ko iyon para umangat ako bilang isang showbiz personality. Na hindi lang sa kanta kundi pati acting ay kaya ko rin.

"And yes, pati hosting, sobrang napamahal na rin sa akin iyang hosting.

"So pagsabayin na lang po. Sa ngayon, nasa Umagang Kay Ganda ako at mayroong We Love OPM, kaya thank you talaga sa blessings,?? nakangiting saad pa niya.

Kasama ni Marlo sa We Love OPM bilang teammates nina Kaye Cal at Marion. Si Nyoy Volante naman ang kanilang mentor.

GIFT-GIVING. Inusisa rin ng PEP kung paano binibigyan ni Marlo ng importansiya ang kanyang fans?

"Well, ako sa mga simpleng bagay, nang-una, talagang totoo yung ipinapakita ko sa kanila and alam nila yun. Na hindi fans ang turing ko sa kanila, parang family and friends talaga, simula pa dati.

"Kapag ipinapakilala ko sila, friends ko talaga. Kasi totoo yung nabuong friendship namin and relationship namin, very strong kami.

"Kaya up to now, patuloy pa rin kami. So hindi naman ako nagbabago and talagang yung sarili ko, talagang ibinababa ko para lahat sila ma-inspire sa akin na pinapahalagahan talaga sila."

Bahagi ng anniversary celebration ng Marlo??s World ang gift-giving sa Graces Home for the Elderly sa Quezon City, sa araw ding iyon. Dito??y namigay sila ng medicine, diaper, shirts, shorts, foam beds, toiletries, food party package, at iba pa.

Ang head admins ng Marlo's World ay sina Laarni Torres, Marjo Ibasco, Zandy Suriaga, at Eve Villanueva.

Sinabi ni Eve kung bakit nila naisipang mag-gift-giving.

"Pinili po namin mag-conduct ng gift-giving sa Graces Home for the Elderly dahil kailangan ng mga lola at lolo ng tulong, plus si Marlo ay malapit din po sa mga lola at lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong first visit niya sa mga lola at lolo, napa-iyak po siya, e."

Bukod sa fans, pinasasalamatan din ni Marlo ang ABS-CBN sa mga project na ibinibigay sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN