Thea Tolentino denies relationship with Mikoy Morales, has a Jap actor-singer crush

"Kahit tanggalin nyo po ako sa show na ito, hindi po talaga kami," dares Once Again's Thea Tolentino just to prove that she and Mikoy Morales are not in a relationship.


“Wala po akong love life," sagot ni Thea Tolentino nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang love life nga nito.

Kung ganoon, bakit hindi mamatay-matay ang isyu na may relasyon sila ng Kapuso male star na si Mikoy Morales?

“Hindi po kami!” tanggi ni Thea.

“Kahit tanggalin nyo po ako sa show na ito, hindi po talaga kami,” sabay tawa ng Kapuso actress na isa sa stars ng Once Again ng GMA-7.

“Hindi po talaga! Hindi po.”

Hindi rin daw nanliligaw sa kanya si Mikoy.

“Hindi po. Friends po kami, friends.

“Bakit ba ayaw nyong maniwala?”

Marami kasi ang naniniwala na may relasyon sila ni Mikoy. Ano ba ang masama kung aamin sila?

“E, wala naman po talagang dapat aminin, e,” at tumawa si Thea.

Wala raw nanliligaw sa kanya. Baka matsismis siyang tomboy.

“Ay, grabe!”

OK TO BE GAY. May indie movie si Mikoy na bading ang role nito. Okey lang daw iyon kay Thea.

“Okey lang po, mahilig naman siyang mag-explore ng kung anu-anong roles.”

Okey lang din daw kay Thea kung may daring scenes si Mikoy sa kapwa artistang lalaki.

“Okey lang, actually tatawa ako. Wala lang, nakakatawa, e.”

Nagpaalam ba si Mikoy na gaganap itong gay sa pelikula?

“Hindi naman po niya kailangang magpaalam.”

Kahit si Thea ang may kissing scene sa isang proyekto ay hindi siya nagpapaalam kay Mikoy.

“Actually sa tatay ko ako nagpapaalam.”

JAP FOR HER. Sa Once Again ay magkaribal sila ni Janine Gutierrez kay Aljur Abrenica.

Sa tunay na buhay ay pareho sila ni Aljur na walang karelasyon.

May posibilidad kaya na magkagustuhan sila ni Aljur?

“Hindi po. Iba yung type ko, e. Gusto ko Hapon," aniya pa.

“Hahanap po ako ng Hapon. Ay hindi, siya pala yung pupunta sa akin, siya ang maghahanap sa akin.”

Bakit gusto niya ng Hapon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang, naku-cute-an ako sa kanila. Bata pa lang ako mahilig na ako sa anime, kahit ano sa Japan, gusto ko. Gusto ko ngang tumira dun, e.

“May crush nga akong Hapon. Last year bumalik ako ng Japan, nung October para lang manood ng concert niya. Ni Yamada Ryosuke.”

Sikat daw ito sa Japan.

Nagkakilala ba sila?

“Hindi po. Nandito ako, nandito siya," tukoy ni Thea sa Japan.

“Oh, my God, ang ganda ng balat kahit pawis!”

Paano kung may matandang Hapon na magkagusto sa kanya?

“Ay hindi po! Yung ka-age ko, hanggang twenty-three years old na Hapon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN