Gladys Guevarra on Alden Richards and Maine Mendoza: "'Di ko kaya energy nila."

Gladys Guevarra relates how much she admires Alden Richards and Maine Mendoza for managing their schedules really well.


Isa si Gladys Guevarra sa mga magiging hurado sa upcoming GMA-7 comedy game show na Laff Camera Action na magsisimula sa May 28. Papalitan nito ang CelebriTV.

Isa itong improvisational program kung saan dalawang grupo ng performers ang maglalaban-laban at masusubukan ang kakayahan sa pagpapatawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng on-the-spot scenario at walang practice.

Host dito sina Sheena Halili at Betong Sumaya, habang hurado naman sina Sef Cadayona at Direk Caesar Cosme.

GLADYS ON ALDUB. Samantala, bukod sa Laff Camera Action, abala rin si Gladys sa comedy bar shows at sa Sunday comedy show na Sunday Pinasaya.

Dahil napag-usapan na rin ang pagiging abala, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang co-star ni Gladys sa Sunday Pinasaya na si Alden Richards.

Hanga raw si Gladys sa kasipagan ni Alden, gayundin sa leading lady nitong si Maine Mendoza.

Nagkwento kasi si Gladys kung gaano kahirap ang ginagawa ng AlDub dahil sa sunud-sunod ang projects ng mga ito.

Naranasan din kasi ni Gladys noon ang pagkakaroon ng sunud-sunod na offers na proyekto at inaming hindi niya ito kinaya at “nagluka-lukahan.”

Nauunawaan din niya ang pagpuna sa bawat kilos at pagbabatikos kapag may nakitang mali.

“Kahit sino naman ngaragin mo. Kaya nga ako no’n halos magkandaluka-luka ako sa buhay ko sa pagod. Gano’n pala ‘yon.

Ang pagkakaiba nga lang daw, nang magsunud-sunod ang mga proyekto ni Gladys, tumatanggi na siya.

“Kasi nung time na ‘yon, ako lang ang kumalas. 'Di ko kaya.

“All eyes lahat nung time na yon.”  

Paghahambing pa niya sa sitwasyon ngayon ng AlDub, “Ang kaibahan lang namin, sila ngayon mas marami silang project.

“Ako kasi, ever since, tanggi lang ako nang tanggi 'pag ayoko, 'pag alam ko hanggang do’n lang ang kakayanan ng katawan ko.

“Kaya ang tingin na kaagad sa akin no’n pasaway, maldita. Kasi choice ko yun, katawan ko ho ang magtatrabaho, hindi kayo. Kaya ang daming hindi nakaunawa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya alis na lang ako, 'di ko kaya ang industriya.”  

Ito rin ang dahilan kung bakit nauunawaan niya sina Alden at Maine.

“Kaya ngayon sinasabi kong mabait sina Alden at Maine kasi grabe, kung iisipin mo, yung ginagawa nilang pagod…

“At the end of the day, uupo pa sila sa tabi mo, mag-i-smile yung sila [makikipag-usap], ‘Ate, yung ano ba…’ Normal na chika.

“Sabi ko ang babait ng mga batang ‘to. Kung ako ‘yan, tantrums na ako.”

Kaya naman saludo siya kay Alden na nakakasama niya sa Sunday Pinasaya.

“Kaya ko nasabi na ang bait ng dalawa, lalo si Alden. 'Di ko kaya yung energy nila.

Sa kabila ng tuluy-tuloy pagtatrabaho raw ni Alden, hindi niya ito nakikitaan ng pagod.

“Sa Sunday Pinasaya nga, dining, 'di ba? Lalapit ‘yan, ‘Ate, ano food mo?’ Siya kukuha ng food, 'tapos kakain siya, ‘Ate, kakain lang ako.’

“Pag-upong-pag-upo pa lang, paglapag ng plato, tayo na agad siya. Sabi ko, ‘Kaya mo pa?’ Okey daw. Ha-ha-ha.”  

HAPPY 'CHUCHAY.' Nang tanungin si Gladys kung pinag-iisipan pa ba niyang bumalik sa Eat Bulaga!, sinabi nitong hindi muna sa ngayon.

“Sabi ko, feeling ko naman nung time ng kaputukan ko sa Eat Bulaga! na Chuchay [karakter na pinasikat ni Gladys] somehow, maingay ako, yung 'di kumaya. Kaya, a, ayoko ‘to, 'di ko kaya ‘to.”

Iniwan ni Gladys ang showbiz at nanatili muna sa U.S.

Pagbalik daw niya sa Pilipinas, inisip daw mabuti ni Gladys ang kanyang personal na buhay at career.

“Sabi ko, ‘Di ko ‘to career. This is going to be my bread and butter and that’s it.’

Buti raw nung kasikatan niya ay nakapag-ipon siya.

“Nagtabi ako, so I have enough. I don’t care anymore.

“Ang importante ngayon masaya ako.

“May perang nakatabi may negosyong tumatakbo.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN