Dawn Zulueta, Piolo Pascual and their contrasting approach to social media

Dawn Zulueta says she sometimes has to answer back and put some netizens in their place, while Piolo Pascual chooses to totally ignore social media for now.


Hindi nagkakaiba ang paniniwala nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual tungkol sa paggamit ng social media pero inamin ng lead actress ng Love Me Tomorrow ng Star Cinema na paminsan-minsan, pumapatol din siya sa mga basher dahil hindi siya martir.

“The only reason why I address them once in a while is to let them know na you can’t just do this to us. Don’t expect that just because we’re celebrities, wala kaming  feelings, we don’t  have a mind of our own?

“I feel kasi na parang siguro minsan, nagsasalita nang ganoon yung mga tao kasi akala nila i-ignore lang namin sila. Merong ini-ignore, merong hindi dapat i-ignore.

“‘Yan ang feeling ko, so hindi kami martir. Lalo na ako hindi ako martir.

“You know, I feel, sometimes kailangan din silang… they have to be put in their place.

“Ako, bago lang ako sa social media. Nung natagalan na, nandiyan yung Twitter, ayoko nga kasi ayoko rin.

“Gaya ni Piolo, I don’t wanna know but recently, I have learned how to adjust and how to go with it. There are some things you listen to and some things you don’t,” patuloy pa ni Dawn.

Unlike Dawn, hindi gaanong active sa social media si Piolo dahil mas gusto niya na magkaroon ng tahimik na buhay.

“Hindi ako nagso-social media lately. So, mas tahimik yung buhay ko.

“What you don’t know won’t hurt. Sobrang kalma ng buhay. You get to do other things and get to mingle more with people and it [social media]  takes too much of your time when you get affected.

“Like si Miss Dawn, mahirap sa kanya because of her background. But me, I chose not to be a part of it para to simplify my life kasi mahirap, e. Mahirap kapag naapektuhan ka…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN