T.O.P. member Adrian Pascual vows to stick to the group despite solo possibilities

Adrian Pascual: "Thankful po ako na sinabi na may potensiyal ako na maging artista. Pero para po sa akin, siguro I will stick to the group. Tatapusin ko muna ang three-year contract."


Kalalabas pa lamang ng debut album sa GMA Records ng T.O.P. (Top One Project), pero iniintriga agad na hindi magtatagal ang grupo dahil tulad ng ibang mga boy band, magkakawatak-watak din daw sila at magkakaroon ng mga solo career sa showbiz.

Ang T.O.P. ang winner ng To The Top, ang multi-platform boy band competition ng GMA Network na umere noong 2015.

Nasa sentro ng intriga ang 17-year-old member ng T.O.P. na si Adrian Pascual na binansagang “Baby Boy.”

Ito ay dahil siya ang pinakabata at pinaka-artistahin sa limang miyembro ng grupo na kinabibilangan din nina Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz, at Miko Manguba.

Si Adrian, na kaboses ni Michael Jackson, ang mas tinitilian at pinagkakaguluhan ng fans sa mga show ng T.O.P., kaya siya ang hinuhulaang unang titiwalag para maging artista.

Pahayag niya tungkol dito, “Thankful po ako na sinabi na may potensiyal ako na maging artista.

“Pero para po sa akin, siguro I will stick to the group.

“Tatapusin ko muna ang three-year contract.”

Hindi naman itinatago ni Adrian na ang una niya talagang pangarap ay ang maging isang artista.

Sabi niya, “Nung una po, acting talaga ang gusto ko kasi nag-acting workshop ako.”

LIFE STORY. Inamin din ni Adrian na produkto siya ng broken family dahil dalawang taon pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Pero wala raw siyang hinanakit sa kanyang ama.

Kuwento pa niya, “Umuwi siya kamakailan mula sa Canada.

“Nung umuwi siya, lahat ng time na hindi kami nagkasama, bumawi siya sa akin nang mag-bonding kami.

“May iba nang pamilya sa Canada ang tatay ko.

“Ang mommy ko, boyfriend lang po.

“May half-sisters po ako [sa mother’s side at father’s side], five years old silang dalawa.”

Patuloy ni Adrian, “Happy po para sa akin ang tatay ko. Sabi niya, ‘Diyan ka na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka kailangan ko rin po na makatulong sa mommy ko habang nag-aaral ako.

“Kailangan po ng breadwinner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN