Baron Geisler and college student resolve issue over viral video

Baron Geisler resolves issue with fine arts student who uploaded his recent viral video. Meanwhile, in his Facebook post, Baron responds to bashers who are calling him a drug addict.


Nagkaayos na ang aktor na si Baron Geisler at ang netizen na nag-upload ng bagong viral video niya.

Sa nasabing video ay makikitang tila sinisigawan at sinasaktan ng aktor ang isang diumano'y college student.

Sa Facebook account ng nag-upload ng video na si Khalil Versoza, ipinaalam niya sa kanyang followers na nagkausap na sila ni Baron.

“Baron and I spoke on the phone and resolved the issue between ourselves.

“We're all fine. I think Baron Geisler deserves enough. Out of respect to him, I took down the video.”

Nakiusap din siyang ihinto na ang pagse-share ng naturang video.

“I also want to ask everyone to stop sharing the video. we just want to put this issue behind us. Peace!”

Sa naturang Facebook post, nag-comment si Baron.

Dito ay tila tinatanggap na ng aktor ang pakikipag-ayos ng estudyanteng nakiusap sa kanya para maging parte ng kanilang proyekto.

Kaugnay nito, ayon kay Khalil, tuloy ang pagiging bahagi ni Baron sa kanilang proyekto.

BARON DARES BASHERS. Samantala, sa kanyang Facebook post kagabi, sinagot ni Baron ang mga nanghuhusga sa kanya na isa siyang drug addict.

Ayon sa aktor, handa siya anumang oras na magpa-drug test.

“GAME!! Anyday anytime!! I dAre you!! I challenge you!! Drug test!! Pero bayaran nyo ko pag negative!!,” sabi ni Baron sa kanyang Facebook post.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN