Aiko Melendez admits getting cold treatment from son after revealing her relationship with Persian guy

Aiko Melendez on son Andre's relationship with her current boyfriend Shahin Alimirzapour: "Slowly. I don't want to force naman Andre and I don't want to force Shahin. Parang I want Shahin to exert that effort to Andre. So he is naman, slowly."


Inamin ni Aiko Melendez na nagtampo ang panganay niyang si Andre Yllana nang mauna niya pang ipaalam sa Instagram bago sa kanyang anak na boyfriend na niya ang Persian businessman na si Shahin Alimirzapour.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aiko Melendez confirms relationship with Persian businessman

Si Andre ay anak ni Aiko sa dati niyang asawa na si Jomari Yllana, habang ang nakababatang kapatid nitong si Marthena ay anak naman ng aktres sa second husband niyang si Martin Jickain.

Lahad ni Aiko, “Nagtampo siya sa akin. Lately lang ito, ito yung parang major na tampo niya sa akin.

“Kasi normally, pag mayroon kaming hindi pinagkakasunduan, mga three days [hindi niya ako pinapansin], ganyan.

“Eto, inabot kami ng one week and three days, bilang na bilang ko, hindi niya ako kinakausap, tapos cold treatment.

“Kasi alam naman niya na I go out on dates, he knows that, alam niya iyon.

“Ang pagkakamali ko lang talaga kasi, naamin ko in Instagram bago ko pa nasabi sa kanya.

“So, pagkakamali ko naman talaga iyon.

“I’m really sorry, son, about that.”

Pero paglilinaw ng aktres, “Hindi ko bina-bypass yung mga anak ko sa pagkakataon na iyon.

“Pero kasi ang pagkakaintindi ko at that time na alam nilang nagde-date ako at masaya ako, automatic na iyon.

“Hindi pala. Kailangan pala formality din, dapat ipaalam ko sa kanila.”

Ibinunyag ito ni Aiko nang mag-guest sila ni Andre sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay na ipinalabas kaninang umaga, May 24.

Paano nalaman ni Aiko na iyon pala ang ikinatampo ni Andre?

Saad niya, “Alam mo, e, kapag anak mo.

“Alam mo kung ano ang nagpapasakit sa loob niya, ano yung nagpapalungkot sa kanya.

“So, I just felt and then I told him, ‘Son, let’s talk. I’m really sorry for what I have done. I’m gonna make it up to you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I am, ‘til now, I’m making it up to him by being very honest every detail sa kanya ngayon.”

ANDRE REACTS. Ano naman ang naramdaman ni Andre noong makita niya ang Instagram post ng mommy niya?

Sagot ng binata, “Ayun, hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon, e. Tahimik na lang ako.

“Ayun, nadala siya doon sa pagtatahimik ko.”

So, kumusta na sila ngayon ng Tito Shahin niya?

“Okay kami. Aalis kami sa Saturday. Bonding kami,” sabi ni Andre.

Natutuwa naman si Aiko na okay na si Andre kay Shahin.

Pero ayaw naman daw niyang puwersahin ang dalawa na maging super close agad sa isa’t isa.

“Slowly. I don’t want to force naman Andre and I don’t want to force Shahin.

“Parang I want Shahin to exert that effort to Andre.

“So he is naman, slowly.”

JOMARI’S MESSAGE. Bagama’t may bagong boyfriend na si Aiko, maganda naman ang relasyon ng aktres sa ama ni Andre na si Jomari Yllana.

Hinahayaan daw ni Aiko na magsama ang mag-ama lagi. Proud nga rin si Jomari sa kanyang anak.

May video message pa nga ang aktor para kay Andre na ipinalabas sa Magandang Buhay.

Ayon kay Jomari, “Si Andre para sa akin, iyan yung apple of my eye, e. Nag-iisa lang iyang anak ko.

“Lagi niya akong napapatawa anytime of the day.

“Kung paano siya maglakad, kung paano siya tumindig. Iyon ang nag-a-agree kaming lahat na parang ako yung anak ko.

“Kung paano magsalita, malumanay. Kung paano tumingin, minsan mayroon siyang tingin o parang may expression sa mukha niya na parang ako.”

May advice din si Jomari sa anak.

“Ang advice ko ay, unang-una, may kinalaman sa pag-aaral.

“Pasukin mo man ang sports, pasukin mo ang motorsports, pasukin mo ang pag-aartista o ang entertainment, huwag mong kakalimutan ang iyong pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi kang magdarasal, huwag kang makakalimot sa Diyos. Maging mabuti kang anak sa iyong mga magulang.”

Simple pero malaman naman ang mensahe ni Andre para sa ama.

“I love you, at saka thank you,” sabi ni Andre.

Mabuti rin daw at naging okay sina Aiko at Jomari para sa kanilang anak.

Ani Aiko, “Nung nag-decide kami na tigilan na namin kung ano yung mga personal issues namin sa isa’t isa, na i-set aside namin kung anuman yung samaan ng loob namin, I spoke to him, I sat with him.

“I told him, ‘Gawin natin itong parang business deal. Tutal hindi naman tayo naging okay [bilang mag-asawa], yung personal natin hindi naging okay, pero bakit hindi natin karerin na maging best of parents individually kay Andre.

“’Tutal ang ending naman nito ang magbe-benefit nito is si Andre. So, if we can’t be together, let’s be the best parents na lang to Andre.’

“Then he said na, ‘Yeah, yeah, I believe so.’

“So, that’s why now, we reached that point that we’re so okay, so open to each other to a point that I know who he is going out with and he’s happy, who I’m going out with.

“Ang common ground namin dito is si Andre, mapabuti and mapaayos lalo ang buhay niya, maging magandang buhay.”

STRONGEST MOMSHIE. Bago natapos ang show, isang parangal at medalya ang ibinigay ni Andre para sa kanyang mommy bilang ‘Strongest Momshie.’

‘Momshie’ ang terminong gamit ng Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal na tawag nila sa isa’t isa gayundin sa iba pang mommies.

Sabi ni Andre, “Strongest Momshie. Alam mo kasi, si Mommy, marami nang pinagdaanan iyan.

“Siguro alam niyo naman maraming failed relationships.

“But siyempre, hindi na kailangang banggitin, pero iyon, marami siyang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kahit kailan hindi siya sumuko.

“Nandoon pa rin iyong oras niya para sa amin. Never siyang nawala.

“Siguro yung tampuhan, iyon ang pinakamalayong separation namin. Pero, iyon nga, nandiyan lagi si Mommy.”

Isang gesture naman ni Andre ang ikinatuwa ni Aiko at ikinaiyak pa ng aktres.

Matapos kasing mag-‘I love you ni Andre’ ay hinalikan niya sa pisngi si Aiko, bagay na madalang nang gawin ng anak dahil nga binata na ito at tila awkward na sa kanya ang ganitong sweet gesture.

Simula pa lang pati ng interview nila ay binibiro na ni Aiko ang anak na i-kiss naman siya nito.

“I love you, at saka since kanina mo pa hinihingi…” sabi ni Andre tapos ay humalik kay Aiko.

Naiiyak na sabi tuloy ni Aiko na may halong biro, “Cause of death ko itong guesting ko sa inyo, hindi ako makahinga.

“I love you, son.

“Hindi ako umiiyak sa harapan ng mga anak ko, never. Iyon nga e, kaya nga strongest, di ba?

“Kasi kahit mahirap kinakaya ko and kakayanin ko para sa kanila.

“May mga bagay akong pinagdadaanan ngayon na hindi lahat naman ng tao alam iyon. Pero pinipilit kong lagpasan iyon dahil sa mga anak ko.

“Dahil sinabi ko, when I had Andre and Marthena, giving up is never gonna be an option for me.

“So, I love you, son. And I love Marthena, also.

“I may not be the best mom in the world, but I try to be the best for you.” 

Watch: Aiko Melendez happy with her 28-year-old Persian boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN