Maine Mendoza's Facebook account reportedly hacked

Maine Mendoza's Facebook account was reportedly hacked this weekend. This is not the first time that her social media account was hacked. Last November 2015, Maine's Twitter account was also hacked but was retrieved eventually.


Maraming supporters ni Maine Mendoza ang nakapansin sa kakaibang post na nakalagay sa kanyang Facebook account, kaya nagduda agad silang na-hack ito.

Isang netizen na nagngangalang si Tristan Cheng ang nag-tweet nitong weekend at nagsabing na-hack nga ang Facebook account ni Maine.

Sa pinakahuling post sa kanyang Facebook account nitong Sabado, May 21, base sa caption, nagpakilala ang humawak ng account ng Kalyeserye star na fan din siya ni Maine, kaya hindi niya sisirain ang nasabing account.

Nakalagay rin sa entry na hindi siya ang hacker ng account ni Maine at miyembro raw siya ng isang kumpanya.

Sinabi nitong ibabalik din daw niya ang account ni Maine at humingi ito ng paumanhin sa lahat ng tagasuporta ni Maine na nagalit.

Sa kasalukuyan, wala pang development kung naibalik na kay Maine ang nasabing Facebook account.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong ma-hack ang social media accounts ng sikat na TV host-actress.

Matatandaang na-hack din ang Twitter account ni Maine noong November 2015 subalit kaagad naman itong nabawi.

Read: Maine Mendoza's Twitter account hacked

Kasalukuyang nasa Italy si Maine, kasama si Alden Richards, para sa shooting ng kanilang launching movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN