Xian Lim saddened by Forever Summer tragedy

Nanawagan si Xian Lim sa mga kabataang madalas gumimik na iwasan na nila ang pagpa-party nang madalas at magdamagang gimikan. Ito raw ay para na rin sa kanilang kabutihan at kapakanan.


Aware daw si Xian Lim sa nangyaring trahedya sa Close Up Forever Summer 2016 concert nitong nakaraang Sabado, May 21, kung saan lima na ang kumpirmadong namatay.

Drugs ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng limang concert goers.

Bilang iniidolo ng maraming kabataan, aminado si Xian na nakababahala ang naturang pangyayari dahil apat sa mga nasawi ay nasa edad na 18 hanggang 22 lamang.

Read: (UPDATED) Investigations ongoing after five confirmed deaths at Forever Summer concert

Sa presscon ng kanyang iniendorsong TechnoMarine watch kaninang hapon, May 24, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ng pahayag ang The Story Of Us star kung ano ang saloobin niya sa pangyayari.

Tugon niya, “Okay, I will give you my personal opinion.

“Kasi this is… watched it din sa news, medyo naapektuhan din ako.

“Kasi we have the capability din na mag-reach out din sa mga masa.

“So, para sa akin, kung gusto niyong umiwas ng gulo, di ba, try to avoid… as much as possible, avoid staying out late.

“Avoid partying too much. Maybe a little partying is okay, pero iano niyo, bigyan niyo ng limit ang sarili niyo.

“Don’t over-party and be smart, di ba?

"And at the same time, hindi lang naman para sa sarili, and this is just my comment, na hindi lang naman para sa sarili niyo ‘to, e.

“Think of ano ang mararamdaman ng nanay at tatay mo, and your family and your friends?

"Parang sila yung maaapektuhan dito, e.

“Kung ano ka, if you don’t care about yourself, think about them.”

PARTY DRUGS. Ano naman ang masasabi niya sa mga kabataang naeengganyong mag-take ng party drugs kapag nasa isang malaking pagtitipon?

Tugon ng Kapamilya actor, "Just don’t. Huwag na. Bakit? What’s the point?

“So you can be cool? Magpapadala ka sa peer pressure?

“Ito yung mga things na talagang [dapat] mawala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw ito personal na naranasan ni Xian dahil hindi raw siya palagimik.

Payo pa niya sa mga kabataang madalas gumimik, “Have respect for yourself. Huwag kayong… don’t do that, huwag niyong babuyin ang sarili niyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN