Andrea Torres denies rumored relationship with Sef Cadayona

Andrea Torres on rumors that her family does not approve of Sef Cadayona as her boyfriend: "Parang weird na magkakaroon sila ng opinion [about Sef] kasi hindi naman kami together. 'Tsaka matagal na nilang kilala si Sef as my close friend talaga."


Itinanggi ni Andrea Torres ang espekulasyong hindi boto ang kanyang pamilya sa kanyang rumored boyfriend na si Sef Cadayona.

Ito ay sa kadahilanang hindi naman daw sila magkarelasyon ng 27-year-old Kapuso comedian.

Bahagyang gulat na pahayag ni Andrea, “Ako? Meron sa newspaper? Anong newspaper 'yan? Talaga? Hindi ko nabasa.

“Pero weird kasi wala naman. Ewan ko kung saan nannggaling [yung balita].”

Base ito sa panayam ng GMA News reporter na si Lar Santiago kay Andrea, sa ginanap na birthday outreach program ng aktres ngayong Martes, May 24.

Paglilinaw pa ni Andrea, kilala ng kanyang pamilya si Sef bilang kanyang “close friend.”

Saad niya, “Parang weird na magkakaroon sila ng opinion [about Sef] kasi hindi naman kami together.

“Tsaka matagal na nilang kilala si Sef as my close friend talaga.”

ON HER CLOSENESS WITH SEF. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinagot ni Andrea kung bakit hanggang ngayon ay nauugnay sa kanya si Sef.

Makailang-beses na kasing pinabulaanan ni Andrea ang espekulasyon tungkol sa umano’y tagong relasyon nila ng Bubble Gang star.

“Oo, laging [nali-link sa akin si Sef]. May na-link rin sa akin before, siyempre ayoko ng banggitin.

“Basta yun, siguro hindi lang sila sanay na nakikita ako with guys na nakakasama ko sa work na nagiging close ko talaga,” paliwanag ni Andrea.  

“Kasi nga hindi rin ako palalabas din.

“Tapos di rin ako naa-associate sa isang grupo or whatever.

“So, wala silang sanay na makitang kasama ako.”  

Read: Andrea Torres to celebrate 25th birthday in Cambodia

MYSTERY FLOWER SENDER. Sa kabilang banda, hindi diretsong sinagot ni Andrea kung sino ang madalas na nagpapadala sa kanya ng red roses.

Tanong ng PEP, kanino galing ang edible red roses na natanggap niya para sa kanyang 26th birthday?

Paiwas na sagot ni Andrea, “Sa maraming tao. Hahaha!

“Maraming nagbigay sa akin ng flowers nung birthday ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa naman.”

Edible red roses this year! Mmmmm ???

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on

ANDREA’S FAVORITE DATE? Kapansin-pansin na parehong may Instagram post sina Andrea at Sef kasama ang hindi kilalang batang babae.

Sa isang post ni Andrea, ang tanging paglalarawan niya sa cute little girl na kasama niya ay ang kanyang “favorite date.”

Date with my favorite little girl ??

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on

Habang si Sef naman ay walang inilagay na caption maliban sa larawan ng naturang cute little girl.

A photo posted by Sef Cadayona (@sefcadayona) on

Kung anu’t ano man, nabanggit ni Andrea sa panayam ng PEP na bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng love life ngayong taon.

Aniya, “Feeling ko meron naman talaga [akong time for love].

“Ang lungkot naman kung puro work.

“Pero wala pa ako sa point na parang feeling ko right timing na pagsabayin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN