Rhian Ramos relates discrimination experience in France

Kapuso actress Rhian Ramos relates about her experience in France, where she was discriminated by a racist old French lady.


Ibinahagi ni Rhian Ramos sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang diskriminasyong naranasan niya sa France kamakailan.

Isa si Rhian sa local celebrities na dumalo sa kasal ni Solenn Heussaff at Argentinian boyfriend nitong si Nico Bolzico sa France nitong weekend.

Pagkatapos ng kasal, nag-extend ng bakasyon si Rhian upang makapaglibot sa France.

Kamakalawa, ipinost ng Kapuso actress sa social media ang kanyang naging karanasan habang nasa isang restaurant nang mamasyal siya sa Mont St. Michael, isang isla sa Normandy, France.

Caption ng Kapuso actress: “Thanks for the stroll, Mont St Michel! Also my first racist old lady experience in a galette restaurant with a woman who probably didnt like my fake French accent. Galette na galette siya!

Ang galette ay French term na ginagamit sa pagtukoy sa iba't ibang uri ng flat round cake.

Sa comments section, may ilang nakisimpatya kay Rhian tungkol sa di kanais-nais na attitude ng ilang Pranses.

Sinabi ng aktres na yun lang ang kanyang di kanais-nais na karanasan, pero mas marami pa rin ang magandang karanasan niya.  

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN