Jaclyn Jose, Sid Lucero receive warm welcome from their The Millionaire's Wife co-stars

Jaclyn Jose pointed out that even before she and Sid Lucero got their recent international acting awards, they have been working hard on their scenes in the currently airing GMA-7 teleserye The Millionaire's Wife.


Proud na proud ang co-stars nina Jaclyn Jose at Sid Lucero sa GMA-7 afternoon soap na The Millionaire’s Wife dahil sa pagkilalang natanggap ng dalawa sa magkahiwalay na international film festivals.

Si Jaclyn ang hinirang na Best Actress sa 69th Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa.

Si Sid naman ay nanalong Best Actor sa 19th Los Angeles Comedy Film Festival para sa pelikulang Toto.

Sinorpresa ng team ng The Millionaire's Wife ang dalawa sa pamamagitan ng simpleng salu-salo ngayong araw, May 25.

Nag-post naman ng ilang larawan ang co-stars nila na sina Ina Raymundo at Mike Tan sa Instagram.

Bahagi ng post ni Ina tungkol kay Jaclyn: “We are extremely proud of you. Isa ka talaga sa PINAKA-mahusay na aktres sa buong mundo!”

Kasunod nito, nag-post din ng maiksing video sa kanyang Instagram account si Ina kasama si Jaclyn upang batiin ang Best Actress ng Cannes.

Ipinost naman ni Mike Tan ang groufie photo nilang cast members ng The Millionaire's Wife.

Makikita rin sa photo ang iba pang artista ng teleserye kagaya nina Andrea Torres, Rich Asuncion, Robert Arevalo, at Ina.

Congratulations Tita @jaclynjose and @sidlucero! Kainan na! ???

A photo posted by Mike Tan (@imiketan) on

Ipinost naman ni Sid ang larawan ng dalawang cake na para sa kanila ni Jaclyn na may nakalagay pang “congratulations.”

Biro pa ni Sid sa kanyang caption, deserve ng The Millionaire’s Wife ang magkaroon ng extension.

Kagabi, May 24, sa press conference ng upcoming sexy comedy show ni Jaclyn na A1 Ko Sa ‘Yo, tinanong siya kung ano ang reaksiyon niya sa pagkapanalo rin ni Sid.

Sagot ng veteran actress, “Manood sila ng [The] Millionaire’s Wife! Puro winner.

“May maganda kaming mga scenes, kasi may naganap na kagimbal-gimbal.

“We invite our friends because pinaghirapan namin ni Sid yung mga scenes namin kahit hindi pa namin nakukuha ang mga ito [awards].”

Noong nanalo si Jaclyn nitong weekend, kahit madaling-araw ay nag-post si Andrea Torres tungkol sa pagkapanalo ng beteranang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sid ay anak ng dating nakarelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil, na siya ring ama ng panganay ng aktres na si Andi Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN