Prince Stefan disappointed with Keanna Reeves's personal attacks against him

Prince Stefan on Keanna Reeves: "Grabe ang paninira niya sa akin. Ako na nga tumulong tapos masisira pa ako. Hindi siya grateful. Sa dami ng raket na ibinigay ko sa kanya para tulungan siya, hindi ako nag-cut ng commission kasi kasama naman ako sa raket. May attitude siya. Sobra akong nagsisisi dahil sa ginawa niya."


Nalulungkot ang StarStruck alumnus na si Prince Stefan dahil sa mga lumabas na paninira sa kanya ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner na si Keanna Reeves.

Read: Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse

Ayon kay Prince, nagsimula ang mga paninira ni Keanna sa kanya noong nasa South Korea sila para sa isang show.

Si Prince ang kumuha kay Keanna sa isang show para sa mga Pinoy sa Incheon, South Korea.

Puwede naman daw siyang magdala ng ibang artista, pero dahil nais niyang makatulong kay Keanna dahil may problema ito sa pera, ginawan daw ng paraan ni Prince na maisama ito sa show.

Ang masakit daw para kay Prince, tinulungan na niya ito para magkaroon ng trabaho, pero siya pa ang pinapalabas na may problema.

Pahayag ni Prince, “Sakit sa ulo. Tumulong na nga ako na walang commission kasi need niya ng raket at money, tapos ito pa gagawin niya in return.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

KEANNA IN KOREA. Hindi raw makapaniwala si Prince sa mga ginawa ni Keanna sa Korea. Hiyang-hiya raw ito sa kanyang kliyente dahil sa mga inasal ng sexy comedienne.

Lahad niya, “Grabe ang ginawa niya sa Korea!

“Pati client ko inaaway niya at tinalakan, pati ako.

“Nakakahiya kasi ako ang kausap client tapos ako nagdala sa kanya doon.

“Super demanding, mareklamo, paalaga pa siya.

“'Yan ang totoo, nililihis lang niya ang totoong nangyari kaya siya gumagawa ng kung anong kuwento to get sympathy vote para malihis sa iba ang topic.”

Ang nabanggit ni Prince na paglihis sa issue ni Keanna ay ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya nito ng “bakla” at “nagpapasosyal” daw siya sa Korea.

Sa pagkakaalam ni Prince ay wala siyang ginawang masama kay Keanna at nais lang niyang matulungan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw ay pinagsisisihan niya ang pagbibigay ng tulong dito.

“Grabe ang paninira niya sa akin.

“Ako na nga tumulong tapos masisira pa ako. Hindi siya grateful.

“Sa dami ng raket na ibinigay ko sa kanya para tulungan siya, hindi ako nag-cut ng commission kasi kasama naman ako sa raket.

“May attitude siya. Sobra akong nagsisisi dahil sa ginawa niya.”

MOVE ON. Nais na raw mag-move on ni Prince sa nangyaring ito. Kaya sa kanyang Facebook account ay nag-post siya ng first ang last statement niya sa issue na ito with Keanna.

Mensahe niya, “I will just be the better person who understands the situation, well mannered and with breeding.

“I never looked down on anyone because I was raised to be respectful.

“And I never said nor bragged about being a famous celebrity, but I sure know how to thank people who've helped me get where i am now.

“I asked HER to be part of the KOREA show because I always believe that everyone gets the second chance to just really prove themselves regardless of background and reputation.

“We are all here to work for a living and never in my entire life to have been put in a position in such a way that someone will actually humiliate me and create false stories about me.

“Nevertheless, I take this positively and will not stop pursuing my passion as an artist and as a performer/entrepreneur no matter how small others may see it.

“I love my job and i will continue to strive harder to entertain people.

“This will be my first and last statement. And for whatever it's worth, I hope to make peace to whomever I have offended in any way.

“To God be the Glory. P. Stefan”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN