Jericho Rosales admits to having tried illegal drugs; reveals how he was able to kick the habit

"Kapag may festivals na ganyan, we should be stricter, we should be more responsible," says Jericho Rosales about the deaths of five people at a music festival on Saturday night, May 21.


Katulad ng karamihan, nalungkot din si Jericho Rosales sa trahedyang nangyari sa isang music festival noong gabi ng Mayo 21. 

Bagamat hindi pa matiyak ang dahilan ng pagkamatay ng limang katao na dumalo sa music fest, may usap-usapang posibleng may kaugnayan ito sa paggamit ng mga kabataan ng ipinagbabawal na gamot.

Pahayag ng Kapamilya actor, “It’s a serious issue, e. It’s drugs.

“I don't think drugs is cool nowadays. Kung bobolahin ko kayo in the right way, it is not cool anymore.

“There’s more to life than that.”

Dagdag pa niya, “But the problem is, the kids have bigger problem. It could be their parents, it could be their curiosity.

“Kapag may festivals na ganyan, we should be stricter, we should be more responsible, di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa awarding event ng Wrangler True Wanderer, ngayong araw, Mayo 26, sa The Brewery at The Palace, Bonifacio Global City, Taguig City.

JERICHO'S CONFESSION. Inamin ni Jericho na noong kabataan niya ay nasubukan niyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot, ngunit gumawa raw siya ng paraan para maiwasan ito.

Sabi niya, “I was so thankful that I got out of it and it was because of good friends.

“Make an effort to surround yourself to the right people.

“My parents had a problem before, pero I didn’t dwell on that. That wasn’t my excuse to use drugs.

“This is a battle that starts when you are a teenager, di ba.”

Ayon kay Jericho, willing pa nga siyang sumama sa mga “movements” para manghikayat ng mga kabataan na maghanap ng ibang mabuting mapagkakaabalahan.

Aniya, “I would help if somebody asks me to parang join a movement, I would love to.

“It happens all over the world, and Philippines is so blessed na hindi masyadong pabaya yung mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One of my friends, si Paolo Valenciano, he was there. He felt really bad about it.

“I think people like us, ako, could do something to help these kids.”

Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya sa mga kabataan, sagot ni Jericho, “Go ride a bike. That’s safer to ride or surf boards na rin.

 “I also encourage the youth to go out, find a church.

“Church is not baduy, I love church. Church tells me to go out, socialize, and don’t be judgemental.

“Enjoy life, this is how you connect.

“Every kid now will face a battle and I am encouraging every teenager now to be strong, to be tough, to look for that something that they can hold on to, not to be stuck in sa society na ganito yung nangyayari sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN