Julie Anne San Jose learns to ignore AlDub bashers: "It's not healthy."

Para kay Julie Anne San Jose, hindi magandang tingnan na patulan pa niya o i-confront ang mga bashers, lalo na yung ibang fans ng AlDub, dahil nasa iisang network lang daw sila nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Tinatawanan at hindi na lamang daw pinapansin ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang pamba-bash sa kanya ng bashers, partikular na ang ilang pinaniniwalaang AlDub fans.

Pahayag ng Kapuso singer, “Okay na po. Wala po yun.

“Wala naman po talaga sa akin yun.

“Basta kung ano man po yung ginagawa nila, sinasabi nila, hindi ko na lang po pinapansin.

“Kasi, di ba, either way, kung mag-react man po ako o hindi, ganun pa rin po yung gawin nila.

“So, might as well, you know, ignore.”

Nakasaup ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa post-birthday celebration niya sa Dreamplay, City of Dreams, Parañaque City, kahapon, May 24.

Kung nagkikita ba sila ni Alden Richards sa Sunday PinaSaya ay isinusumbong niya o nagpapasaklolo ba siya tungkol dito?

Tugon ng 22-year-old Kapuso star, “Ay, hindi po, hindi po.

“Pero alam mo naman po na nakikiusap din naman po ako sa mga fans ko na huwag na lang patulan.

“Kasi it’s not healthy.

“Kasi especially nasa iisang network po naman kaming lahat, di ba, and there’s only one goal—yun nga yung makapag-entertain ng mga tao.

“So, my way is through music naman; sila ibang field din naman sila.

“But then again, parang hindi din naman talaga kailangan na mag-away. Kasi okay naman kami.”

Nagkakilala na rin sina Julie Anne at Maine Mendoza sa isang episode ng Sunday PinaSaya. Wala raw naging tensiyon sa kanilang dalawa.

Ayon kay Julie Anne, “Opo. Si Maine, wala naman po talagang kaso sa amin. Mabait naman po talaga si Maine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN