Ervic Vijandre clarifies misconception about him being a troublemaker

Ervic Vijandre on his realizations: "Ako talaga, meron kasi talaga akong napi-feel na parang hindi Niya ako pinababayaan kahit papaano. Na isang way din ito para magising ako, na 'Hindi ka na bata.' Parang to learn from my mistake. Iyon yung pinaka-lesson sa akin."


Gusto raw mag-focus ni Ervic Vijandre sa kanyang showbiz career kaya isinantabi na muna niya ang pagsabak sa pulitika.

Matatandaang noong 2013 ay tumakbong konsehal sa Taguig City si Ervic ngunit hindi siya nanalo.

Nitong May 2016 elections ay hindi siya tumakbo.

Pahayag ni Ervic, “Concentrate muna ako sa pag aartista ko.

“Gusto ko pa ring tumulong siyempre, pero sa ngayon, dahil kaka-sign ko lang sa GMA, di ba, so masasayang naman yung contract ko kung magpupulitiko ako.

“Kasi may time na hindi ako puwede, di ba?

“So, sayang yung mga project.

“Andun pa rin naman yung gusto kong tumulong, e,” diin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic sa presscon ng upcoming sex-comedy series na A1 Ko Sa ‘Yo nitong Martes, May 24, sa GMA Network Center.

TROUBLEMAKER? Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Ervic nang tanungin tungkol sa kinasangkutan niyang gulo sa Pasay City noong Pebrero, kung saan nanakit diumano siya ng isang lalaki.

Read: Ervic Vijandre arrested for allegedly beating up a guy in Pasay

Ano sa palagay niya ang dahilan ng madalas niyang pagkakasangkot sa mga intriga?

Tugon ni Ervic, “Siguro part ‘yan ng ano… tini-test din siguro ako ni God.

“Kung paano ako mag-a-act sa mga… actually hindi intriga, e.

“Sa mga pagsubok na ibinibigay Niya sa akin. Sa mga sitwasyon.”

Ano ang mga realization niya kapag may mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay?

Pahayag ni Ervic, “Ako talaga, meron kasi talaga akong napi-feel na parang hindi Niya ako pinababayaan kahit papaano.

“Na isang way din ito para magising ako, na ‘Hindi ka na bata.’

“Parang to learn from my mistake. Iyon yung pinaka-lesson sa akin.”

KEEPING THE FAITH. Ano ang nararamdaman niya kapag may nagsasabing lagi siyang nasasangkot sa gulo?

Nung kasagsagan ng kampanya noong 2013 ay nasangkot din siya sa isyu ng bugbugan at dinala pa nga siya sa ospital dahil kinailangang tahiin ang ulo niya dahil sa pananakit sa kanya ng ilang mga kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ervic, “Hindi ko naman kayang i-please yung iba, e.

“I have my personal reasons kung bakit ako na-involved sa ganun before.

“So, iyon naman, pinapasa-Diyos ko na lang kung may nakagawa sa aking…

“Sa ngayon, ipinapasa-Diyos ko na lang yung mga nakagawa sa akin ng mali at humihingi din ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko.

“Tsaka hindi ko naman sinasabi na magiging perfect ako after all the mistakes na nagawa ko, e.

“So, sa ngayon pa lang, parang hinihiling ko lagi sa Kanya, hinihiling ko sa Panginoon, kay Mother Mary na bigyan Niya ako ng lakas sa lahat ng kahinaan ko.”

Deboto ba siya ni Mama Mary?

“Ng Perpetual Help, Baclaran. Mamaya dun ako pupunta.”

Matagal na raw deboto ng Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran Church si Ervic.

“Simula nung college ako. Kasi ang mommy ko talaga deboto ng Baclaran, so ipinasa niya sa akin.

“Tapos ang daddy ko deboto sa Quiapo. Ipinasa niya dun sa sumunod sa akin.”

Relihiyoso si Ervic, kaya para sa mga nagdududa sa kanya, masasabi niya sa mga ito na hindi siya basagulero.

“Hindi, hindi naman.”

Nagkakataon lang daw na nasasangkot siya sa gulo kahit hindi niya kagustuhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN