Yassi Pressman dishes out on start of JaDine relationship

Yassi Pressman on JaDine relationship: "Nagulat ako, pero nakita na namin yun ng mga huling concert namin sa Isabela. Parang sila na lang yung laging magkausap, hindi na katulad dati na parang lahat kami… Ngayon, silang dalawa, may sarili nang mundo. Hindi ko lang alam na yun na pala 'yon, at that time."


Isa si Yassi Pressman sa mga unang nakaalam tungkol sa relasyon nina James Reid at Nadine Lustre.

Nakasama ni Yassi sina James at Nadine sa launching movie ng JaDine loveteam, ang Diary Ng Panget (2014).

Kahit napansin niya ang kakaibang kilos ng dalawa, nagulat pa rin si Yassi nang magtapat sa kanya si Nadine.

Kuwento ni Yassi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tumawag sa akin si Nadz.

“Nagulat ako, pero nakita na namin yun ng mga huling concert namin sa Isabela.

“Parang sila na lang yung laging magkausap, hindi na katulad dati na parang lahat kami…

“Ngayon, silang dalawa, may sarili nang mundo.

“Hindi ko lang alam na yun na pala ‘yon, at that time.

“Parang feeling ko naman, mangyayari. Nagulat lang ako na at that time, o yun na.

“Ang dami nga tumatawag sa akin, parang, 'Guys, ako ba yung JaDine? Bakit ako yung tinatawagan niyo?'”

ANDRE PARAS. Sina Yassi, Nadine, James at Andre Paras ang magkakabarkada at madalas na lumalabas, kaya tinanong si Yassi kung posible bang maging for real din ang love team nila ni Andre.

Sagot ni Yassi, “Hiwalay na kami ni Andre…

“Hiwalay na kami lagi kasi magkaiba na kami ng mga ginagawa ngayon. Magkahiwalay na kami ng work.”

Paglilinaw pa niya, “Hindi naging kami. Grabe naman!

“Naging close lang.

“May time na sobrang grabeng close, pero ngayon, parang hindi na.

“Hindi na kami masyadong nagkikita. Busy kasi siya, sa family niya raw, saka sa work sa GMA-7.”

CAMP SAWI. Samantala, si Yassi ay magbibida sa Camp Sawi, ang upcoming women empowerment movie ng Viva Films.

Aniya, “May shooting kami sa Cebu para sa bagong movie, yung Camp Sawi.

“Ang ganda nun, as in rehabilitation center siya para sa mga broken-hearted. So, lahat ng nandoon, mga sawi.

“Kasama ko sina Arci Muñoz, Bela Padilla, Kim Molina, saka si Andi Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat kami broken-hearted.

“Ang direktor namin, si Direk Irene Villamor; matagal na siyang tinuturuan ni Direk Joyce Bernal.

“First day shooting ko sa May 31, tapos eight days kami sa Cebu, sa isang napakagandang island.”

Ikinuwento ni Yassi na required siyang magsuot ng mga two-piece swimsuit sa mga eksena niya sa Camp Sawi.

Hindi raw ito problema kay Yassi dahil nagkaroon na siya ng sexy pictorial para sa summer edition ng Cosmopolitan magazine noong March 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN