Sofia Andres spells out relationship with Diego Loyzaga: "We don't rush things."

Sofia Andres will finally star in her own teleserye soon, "Kinakabahan ako, nape-pressure ako kaya pinaghahandaan ko mabuti. Tagal ko nang pinangarap ito, e."

 


Nali-link ngayon si Sofia Andres kay Diego Loyzaga dahil na rin hantad sa Instagram posts nila na madalas silang nagkakasama.

May mga kuha pa nga sina Sofia at Diego na kasama si Teresa Loyzaga, ina ng young actor.

May mga larawan ding kasama ng dalawa si Sunshine Cruz at ang mga anak nito sa kahiwalayang asawa na si Cesar Montano, ama ni Diego.

Sabi ni Sofia, “Nakilala ko na ang family niya, mabait naman.”

Hindi rin niya itinanggi na nagkasama sila ni Diego out of town.

“Kasama namin parents ko tapos friends niya.”
  
Pero nilinaw ni Sofia, special friend man ang turing niya kay Diego, wala pa raw sa punto na may espesyal na silang relasyon.

“We’re very talaga close kasi yun ang importante, na pag nag-taping kami, ang bonding talaga nandun.

“We don’t rush things, yun kasi yung maganda.

“Yung foundation ng friendship namin nandun.”

Paano kung mainip si Diego at manligaw ito sa iba?
  
“Ako, kung saan siya happy dun ako.
 
“Oo, he is special,” sabi ni Sofia sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Star Magic Sportsfest noong Linggo, May 22.

Na-link dati si Sofia kay Iñigo Pascual, at inamin ng aktres na umabot sa mutual understanding ang pagiging magkaibigan nila.

Kung may isang bagay raw siyang natutunan sa nangyari sa kanila ni Iñigo, ito ay ang hindi magmadali.
 
“Hindi pa ganun kaano, magkaiba.

“Si Diego kasi now, gusto naming mas maganda yung process, yung di minamadali.

“Yung kay Iñigo kasi, medyo bata-bata pa ako nun.

“Ngayon, mas gusto ko yung mas maayos.”

PROJECTS. Gumanap bilang third wheel sa mga teleserye tulad ng Forevermore,
kumpirmado na magbibida na si Sofia sa isang serye ng ABS-CBN.
 
Saad niya, “Ngayon may workshops kami for upcoming teleserye.

“Puro workshops kasama ko sila Diego Loyzaga and Ronnie Alonte.
     
“Kinakabahan ako, nape-pressure ako kaya pinaghahandaan ko mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tagal ko nang pinangarap ito, e, okay lang naman sa akin kahit medyo matagal.

“Kasi workshops talaga ang priority para pag nilabas yung serye, okay kami talaga.

“To be honest, nami-miss ko nang mag-taping.”

Abala rin si Sofia sa dalawang pelikula na nakalinya niyang gawin, isa rito ay under Regal Films at iyong Bloody Crayons, isang horror movie under Star Cinema.
 
May mga iniendorso si Sofia na ilang produkto, at dahil may tindig siyang pang-modelo, may mga offer rin sa kanya dito.
     
Sabi niya, “May mga kumukuha pero di pa alam sa handler ko minsan kung paano.

“Kung may opportunity na kukuha talaga sa akin, go.

“Sa mga magazines mayroon, pero dun sa rarampa, wala pa pero gusto ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN