Vice Ganda: "Real friends share real fun moments not drugs."

Nagbigay ng payo ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa mga kabataang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ito ay kaugnay pa rin sa trahedya sa isang concert sa Pasay kung saan lima ang namatay dahil daw sa paggamit ng party drugs.


Hindi rin nakalusot sa mga mata ng comedian-TV host na si Vice Ganda ang masamang idinudulot ng droga sa mga kabataan.

Nitong nakaraang Linggo, May 22, nag-tweet ang It’s Showtime host tungkol sa masamang epekto ng droga sa mga gumagamit nito.

Ito ay kasunod sa trahedyang nangyari sa Forever Summer Concert sa SM Mall of Asia concert grounds noong Sabado, May 21, kung saan lima ang binawian ng buhay.

Read: (UPDATED) Investigations ongoing after five confirmed deaths at Forever Summer concert

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya at ng National Bureau of Investigation (NBI), massive heart attack ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima dahil daw sa nainom nilang party drugs noong kasagsagan ng konsiyerto.

Sabi ni Vice, “REAL FRIENDS share REAL FUN moments NOT drugs.”

Sunod pa niyang tweet, tigilan na dapat ng mga nagdodroga ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil hindi tiyak na masama ang kahihinatnan nila sa huli.

Tweet pa niya, “Di cool ang drugs! Kaya tantanan mo. Di yan ikagaganda kundi ikadadali ng buhay mo. At pag nangyari yun di ka cool, cold ka!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN