Alden Richards on how much he loves Maine Mendoza: "Molto."

Imagine You and Me is AlDub's first anniversary gift to their fans this coming July.


Noong May 16 ay nagdiwang ng kanilang 10th monthsary bilang magka-love team sina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala sa bansag na AlDub.

Kamakailan, lumipad patungong Italy ang dalawa para sa shooting ng pelikula nilang may tentative title na Imagine You and Me.

Ito ang magsisilbing anniversary gift nina Alden at Maine sa kanilang fans sa darating na July.

Kilig na kilig naman ang AlDub fans sa Italy na nakaantabay sa kanilang shooting doon.

May video interview pa nga ang ilan sa kanila kay Alden.

Dito ay tinanong nila ang Kapuso actor kung ano ang masasabi niya sa fans na sumugod pa sa Como, Italy para masilayan sila.

Sabi ni Alden, “Ay, grabe kayo, grabe kayo! Kung saan-saan kayo dumadayo. Kayo na. Kayo na talaga.”

Sa Instagram post naman ng isang Cherry Grace Manzano, tinanong niya si Alden kung gaano ba niya kamahal si Maine.

Sagot ng Pambansang Bae: “Molto.”

Ang 'molto' ay Italian word na ang ibig sabihin ay “very much.”

Tapos na ang shooting ng mga eksena nina Alden at Maine sa Como, Italy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN