Sef Cadayona waiting for "right timing" to admit real score with Andrea Torres

Though still currently evasive about the real score about his rumored relationship with Andrea Torres, Sef Cadayona says, "Kung sakali naman talaga, mag-a-out kami. Pero mas maganda kasi na sa tamang timing."


Nagkataong noong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Sef sa presscon ng A1 Ko Sa Yo sa 17th Floor ng GMA-7 noong May 24 ay aktuwal na kaarawan naman ni Andrea Torres.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina Sef at Andrea, pero wala pa rin ni isa sa kanilang umaamin.

Niregaluhan ba niya si Andrea sa kaarawan nito?

“May regalo,” mabilis naman niyang sagot.

“Siyempre, sobrang happy namin na every year, yun nga, ang ganda ng mga birthday celebration niya.”

Ano naman ang naging birthday gift niya kay Andrea?

“Siya na lang ang tanungin niyo. Magagamit niya yun,” hirit niya.

Alahas na ba ito?

“Uy, hindi naman. Pero magagamit niya,” nakangiti niyang sabi.

WAITING FOR RIGHT TIME. Ayon kay Sef, may dalawang taon na rin daw silang “best friend” ni Andrea. Pero marami ang nag-react sa sinabi niya na best friend sila.

Natatawa tuloy si Sef, sabay sabing, “Nahihiya na tuloy ako.”

Diretso naman namin siyang tinanong kung bakit nga ba tila hindi pa nila magawang maging “open” sa kung ano talaga ang meron sa pagitan nilang dalawa ni Andrea.

Ayon kay Sef, “Kung sakali naman talaga, mag-a-out kami. Pero mas maganda kasi na sa tamang timing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN