Mocha Uson to Leni Robredo: "Support Duterte or else we will be forced to remove you from your office."

Ito ang bahagi ng unang mensahe ni Mocha Uson para kay incoming Vice President Leni Robredo: "Wag na wag nyo pong subukan na agawin ang mandato ng bayan sa aming Presidente dahil hinding hindi kaming mga DDS makakapayag. Gagalangin ka namin bilang VP ngunit galangin mo ang aming Pangulo. Support him or else we will be forced to remove you from your office."


Umaani ngayon ng batikos ang dancer-sexy star na si Mocha Uson dahil sa Facebook post nito pagkatapos maideklarang panalo si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo sa official canvassing para sa pagka-bise presidente.

Si Mocha, lider ng sexy all-female dance group na Mocha Girls, ay kilalang 'die-hard supporter' ni incoming President Rodrigo Duterte at madalas siyang makitang kasama sa campaign sorties nito.

Ang kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog ay punung-puno rin ng posts at larawan tungkol kay Duterte.

Sa kanyang post noong May 27, Biyernes, ay nagbigay ng mensahe si Mocha para sa susunod na vice president ng bansa.

Dito ay tila binalaan ni Mocha si Leni na “huwag subukan na agawin ang mandato ng bayan” mula kay Duterte.

Dahil kung hindi raw ito magagawa ni Leni ay “we will be forced to remove you from your office.”

Sana rin daw ay isantabi ng incoming vice president ang alyansa nito sa pinanggalingang partido na Liberal Party.

Ang Liberal Party ang partido ng kasalukuyang presidente na si Benigno “Noynoy” Aquino III at ng standard-bearer ng LP ngayong May 2016 elections na si Mar Roxas.

Ito ang buong mensahe ni Mocha kay incoming Vice President Robredo:

“Now that you won the VP race we expect you to work with our leader and President Duterte.

“It's time for you to set aside your alliance to Aquino, Roxas and the rest of LIBERAL PARTY for your COUNTRY.

“People have spoken and we want change in the government.

“Palitan ang bulok na sistema at tanggalin ang mga corrupt politicians sa ating gobyerno.

“Wag na wag nyo pong subukan na agawin ang mandato ng bayan sa aming Presidente dahil hinding hindi kaming mga DDS makakapayag.

“Gagalangin ka namin bilang VP ngunit galangin mo ang aming Pangulo.

“Support him or else we will be forced to remove you from your office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TANDAAN MO ISA SA DAHILAN KAYA NANALO SI MAYOR DUTERTE AY DAHIL SAWA NA KAMI SA MGA TRADITIONAL POLITICIANS NA TULAD NG PINANGGALINGAN MONG PARTIDO.

“Magbabantay kami sayo madam VICE PRESIDENT LENI.”

Sa comment section ay magkakahalo ang naging reaksiyon ng followers ni Mocha.

Kung sinang-ayunan siya ng Duterte supporters kagaya niya at ng ilang mga maka-Bongbong Marcos, marami rin ang bumatikos kay Mocha; partikular na ang mga tagasuporta ni Leni at may ilan ding maka-Duterte.

MESSAGE TO YELLOW WARRIORS. Dahil sa mga komentong ito, nag-post ng mensahe si Mocha para sa tinawag niyang “YELLOW WARRIORS” o mga tagasuporta ni Leni ngayong araw, May 29:

Dito ay nilinaw niya ang kanyang naunang post tungkol sa pagkapanalo ni Leni bilang vice president:

“PARA SA MGA YELLOW WARRIORS
BASAHIN NG MAIGI BAGO MAG COMMENTO NG KUNG ANU-ANO.

“Hindi ko maintindihan itong mga YELLOW WARRIORS na ito kung bakit nag-init pwet nila sa huling post ko.

“Iisa-isahin ko sa inyo ang sinabi ko at hindi ko sinabi.

“KLA-KLARUHIN KO SA INYO. BASAHIN NG MAIGI at HUWAG KUKURAP.

“Una sa lahat, I am NOT a supporter of BBM nor LENI because I still believe that CAYETANO is the best VP for Pres. DUTERTE.

“Pangalawa, NEVER ko sinabing NANDAYA SI VP LENI.

“As a matter of fact I even said I RESPECT THE RESULTS OF THIS ELECTION. That’s why I address her as VICE PRESIDENT.

“NEVER ko din sinabi na may Plan B na magaganap dahil tulad nga ng sinabi ko ng ilang beses na MY LOYALTY IS WITH CAYETANO.

“That PLAN B came from BBM Camp NOT ME. DUCAY nga ako dba?

“AT ETO ANG SINABI KO- Since now na VP na ng buong Pilipinas si Mam LENI ROBREDO her loyalty should no longer be with AQUINO, ROXAS or to her Party. Her LOYALTY should be to our PRESIDENT DUTERTE and since you are the VP of our country, dapat ang katapatan mo ay sa BAYAN din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko rin GAGALANGIN KA NAMIN ng mga DDS (Duterte Die-Hard Supporters) dahil VP ka na pero GALANGIN MO DIN ANG AMING PANGULO.

“Sa ingles- WE RESPECT YOU VICE PRESIDENT LENI ROBREDO BUT you have to support our President. Magbabantay kami sayo. Hindi ka na dapat magpapagamit sa iyong party na LP dahil hindi ka na ordinaryong Congresswoman ng lugar mo- ikaw ay VP na ng lahat ng mga PILIPINO.

“Naniniwala ako na ganun din si Pangulong DUTERTE, hindi siya pumapanig sa Partido nya o sa mga kaibigan niya. Ang BAYAN ang kanyang pinapanigan kaya dapat ganun ka din po madam VP.

“UULITIN KO NANAWAGAN PO AKO SA LAHAT NG MGA KA-DDS, GALANGIN NATIN ANG RESULTA NG ELEKSYON.

“LENI ROBREDO IS NOW THE VICE PRESIDENT. NGUNIT TAYO AY MAGBANTAY UPANG ANG HANGARIN NATIN PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO AY MAISAKATUPARAN NA.

“SUSUPORTAHAN KA NAMIN MADAM VICE PRESIDENT LENI ROBREDO KUNG SUSUPORTAHAN MO ANG AMING PANGULO.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN