Liza Diño to fellow Duterte supporter Mocha Uson: "Speak for yourself... Tama na ang pagbabanta!"

Nag-react si Liza Diño sa recent Facebook post ng kapwa niya Duterte supporter na si Mocha Uson, matapos magbabala ang huli kay incoming Vice President Leni Robredo na tatanggalin sa puwesto kapag tinangka nitong agawin ang mandato kay Duterte.


Nag-react ang aktres at former beauty queen na si Liza Diño sa recent Facebook post ng performer at sexy star na si Mocha Uson, kung saan may babala ito sa incoming vice president na si Leni Robredo.

Sa kanyang open letter, binalaan ni Mocha si Leni na “huwag subukan na agawin ang mandato ng bayan” mula kay president-elect Rodrigo Duterte dahil kung hindi raw ay “we will be forced to remove you from your office.”

Si Mocha ay kilalang supporter at die-hard fan ni Duterte.

Si Leni naman ay galing sa Liberal Party at running mate ni presidential candidate Mar Roxas, na pumangalawa sa presidential election.

Binanggit din ni Mocha sa kanyang post na sana ay isantabi ni Leni ang kanyang alyansa sa Liberal Party at makipagtulungan sa kanilang presidente.

Read: Mocha Uson to Leni Robredo: 'Support Duterte or else we will be forced to remove you from your office.'

LIZA REACTS. Pero hindi lahat ng tagasuporta ni Duterte ay sumasang-ayon sa pananaw ni Mocha, kagaya na lamang ni Liza, isa ring solid supporter ng incoming president.

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, May 28, hindi man binanggit ni Liza ang pangalan ni Mocha ay malinaw na ang mensahe ng kanyang post ay reaksiyon sa pahayag ng sexy dancer.

Simula ni Liza sa kanyang mensahe, “Ok lang naman na magpahayag ng opinyon.

“Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government.

“Marami naman talaga ang traumatized sa administrasyong Aquino kaya hindi natin masisisi na ilabas ng iba ang kanilang mga pangamba.

“But let's not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion.”

Nagpaalala rin si Liza tungkol sa banta ni Mocha na tatanggalin si Leni mula sa kanyang puwesto kapag tinangka nitong agawin ang kapangyarihan mula kay Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe ni Liza, “Worse, do not assume the worst in one person and threaten to ‘remove her from office’ gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon.”

Paalala pa ni Liza, “Speak for yourself and for yourself only. Ikaw ‘yan eh. Opinyon mo ‘yan.

“But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon, especially ng mga sumusuporta kay Duterte, eh, parang hindi naman tama yun.

“Let us remain vigilant but let's work towards UNITY and hope for the best.

“The majority has spoken. Dapat ngayon, back to zero na tayo.

“Let's all start on a clean slate PILIPINAS.

“Tama na ang mga pagbabanta!!

Ok lang naman na magpahayag ng opinyon. Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government. Marami naman talaga ang traumatized sa administrasyong Aquino kaya hindi natin masisisi na ilabas ng iba ang kanilang mga pangamba. But let's not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion. Worse, do not assume the worst in one person and threaten to "remove her from office" gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon. Speak for yourself and for yourself only. Ikaw yan eh. Opinyon mo yan. But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon especially ng mga sumusuporta kay Duterte eh parang hindi naman tama yun. Let us remain vigilant but let's work towards UNITY and hope for the best. The majority has spoken. Dapat ngayon, back to zero na tayo. Let's all start on a clean slate PILIPINAS. Tama na ang mga pagbabanta!! #du31 #positivephilippines

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN