Carmi Martin explains why she prefers to be single for life

Not a whiff of scandal has marred the showbiz career of Carmi Martin despite her sexy image. She says, "Ay, naku, ayoko ng gumawa ng ganun… sa sobrang pagmamahal ko sa pamilya ko. Ayoko silang bigyan ng kahihiyan."



Isa si Carmi Martin sa “Titas of Manila” sa pelikulang Love Me Tomorrow na kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan.

Siya ang nag-push sa karakter ni Dawn Zulueta na mag-enjoy lang sa buhay.
 
Natatawang kuwento ni Carmi tungkol sa kanyang karakter, “Ako ang nag-engganyo sa kanya to have fun with younger men.

“Ako yung influence kaya hayun, nagkagulo-gulo ang buhay niya.”
 
Dahil sa pelikula nila, tila nauuso ngayon ang tawag na “Titas of Manila” o mga spinster.
 
Kinukunsidera ba niya ang sarili na isa sa mga ito at ano ang pakahulugan niya sa "Titas of Manila"?
 
Tugon ng aktres, “Titas of Manila? Wala, I go out with my friends, we don’t look for men.

“But no, it doesn’t mean na ganun ang Titas of Manila.

“Nagkataon lang na sa movie, ganun.

“Pero it doesn’t mean na lahat ng Titas of Manila, naghahatak ng younger men.
 
“A lot of them, like my friends, it’s either fed up in a relationship or still hoping for someone to come in their life.

“In my case, parang I’m happy kung nasaan ako ngayon.”

Sa edad na 52 ay single pa rin hanggang ngayon si Carmi.

BLESSED SINGLEHOOD. Wala rin daw siyang boyfriend o karelasyon ngayon.
 
Sabi nga niya, “Siguro mga four years na rin na wala.”
 
May mga nanliligaw?
 
“Meron naman, at saka maganda naman ang plano, pero parang wala namang ano sa akin. 

“I’m so happy with my relationship with God.”
 
Gusto ba niyang maging single for life?
 
“Well, yun ang plan ko, pero hindi mo… baka sabihin niyo, ‘Ang plastic talaga nitong si Carmi, biglang nag-asawa.’

“Pero wala na ako dun sa magpapakasal, I prayed for it… remove the desire.

“Because, before, ang mentality ko, man will make me happy, being married will make me happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa nakita ko sa karamihan, sa mga naririnig kong istorya at sa mga na-witness ko in my own relationship, it seems that very few percentage of the population of the whole earth ang nagwu-work [ang relationship].

“And ako, I’m very happy for those couple.”

Ang matalik niyang kaibigan na si Gladys Reyes ay ilang taon nang kasal at matagumpay ang marriage life nila ni Christopher Roxas.
 
Hindi ba siya nakakahugot ng inspirasyon dito?
 
Ayon kay Carmi, “Oo, I’m happy for them, pero yung inspired or naiinggit or what, parang nalagpasan ko na.
 
“Dahil alam ko, ako,” natawa niyang sabi, “may mga gusto sa aking magpakasal, but hindi ko gusto, e. 

“Ang hirap namang magpakasal na walang dating, di ba?”
 
Companionship, walang kasal?
 
“Naku, lalong hindi because I’m a Christian.”

YOUNGER MEN. Nangyari na rin daw kay Carmi ang makipagrelasyon sa isang younger man.

“Dumating, pero laro-laro lang.”
 
Hindi ba unfair sa lalaki na hindi naman pala siya nagseryoso?
 
Paliwanag niya, “Parang hindi ko nabi-visualize… ako ‘to ha.

“Hindi ko sinasabing kapag ikaw, pumatol ka sa mas bata, masama kang babae.

“Ako lang ‘to, mas bet ko yung same age or older ng konti sa akin.
 
“Pero yung mas bata, parang iba yung happening nun sa akin.

“Kaya ako, yung ganun, fling-fling lang before, mga ten years younger. 

“Tumagal man siguro, mga months lang.”

Dagdag ni Carmi, “Siguro I see my future na getting older, tapos siya, bata pa.

“Iba yung wavelength, siguro ganun. 

“Katulad nung naging conflict nila sa movie, di ba, sinasabi ng anak, pa-spinner-spinner lang ‘yan.

“Kasi nga DJ si Piolo [Pascual], tapos si Dawn manang dito.”

NO REGRETS. Kahit dumaan siya sa iba’t ibang relasyon at nakipag-live-in sa isang punto ng buhay niya, hindi siya nagkaroon ng anak.
 
Saad niya, “Hindi ko sinasabing masasamang babae ang single parent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro takot na takot ako sa chismis. 

“Kung tutuusin, siguro ako yung artista na wala ka naman masyadong maririnig na chismis.
 
“Takot na takot ako sa mga istorya, kasi di ba noon, medyo sexy-sexy ako?

“Ang sexy noon, hawak mo yung boobs mo, ganun lang.

“Tapos uuwi sa akin ang kapatid ko, naku, sabi sa school, ganun-ganun.

“Ay, naku, ayoko ng gumawa ng ganun… sa sobrang pagmamahal ko sa pamilya ko.

“Ayoko silang bigyan ng kahihiyan.

“Di ba, noong '80s, nanganak ka na walang ama, malaking kahihiyan yun, eskandalo.”
 
Wala siyang pagsisisi?
 
“Wala,”  nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN