Arnell Ignacio bashed after posting video message for VP-elect Leni Robredo

Arnell Ignacio on bashers: "Wala naman bago silang sinasabi sa akin, e. Namemersonal lang sila, e. Hindi naman nila ina-address ang totoong isyu. Wala naman silang sinasabi sa akin... 'baklang laos,' gusto ko lang daw magka-show. E, sanay naman ako na walang show! Sana kung mam-bash sila, yung may sustansiya naman para masarap!"


Hindi na nagpapaapekto si Arnell Ignacio sa mga batikos na inabot niya dahil sa kanyang video message para sa incoming Vice President Leni Robredo na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Sa naturang video ay hiniling ni Arnell kay Robredo na sagutin ang mga akusasyon ng pandaraya sa nakaraang eleksyon, kung saan mahigit 200,000 boto lamang ang naging kalamangan nito sa pumangalawang si Sen. Bongbong Marcos.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arnell nitong Lunes ng tanghali, May 30, at sinabi niyang hindi na bago ang ibinabatong paninira ng mga namba-bash sa kanya ngayon.

Saad ng Duterte supporter, “Wala naman bago silang sinasabi sa akin, e.

“Namemersonal lang sila, e. Hindi naman nila ina-address ang totoong isyu.

“Wala naman silang sinasabi sa akin... ‘baklang laos,’ gusto ko lang daw magka-show.

“E, sanay naman ako na walang show!

“Sana kung mam-bash sila, yung may sustansiya naman para masarap!” natatawang pahayag pa niya.

Sabi ng 52-year-old comedian-TV host, alam niya ang kanyang sinasabi dahil lahat daw ng sorties ng mga tumakbong presidente ay pinuntahan niya.

“Kay Mar Roxas, nakailang beses na rin akong mag-host sa mga sorties niya.

“Napuntahan ko ang kampanya ng lahat na tumakbong presidente, kaya alam ko.

“Yung namba-bash sa akin, wala namang sinasabi tungkol sa isyu, kundi pinipersonal lang ako.”

Hamon pa niya, “Mag-debate kami, o!

“Dapat alam din nila ang totoong kuwento, dahil ako alam ko lahat yun. Nasaksihan ko ang karamihan sa kanila.

“Kaya huwag na nilang sabihing ‘bakla ako.’ Matagal ko nang alam na bakla ako.

“Hindi naman ako yung basta-basta na tumitira lang, e. Ang sa akin, may pinanggalingan yun.”

Patuloy ni Arnell, “Yung kay Leni, yun lang naman ang sinasabi ko, e.

“Sagutin naman niya yung mga naglabasang isyung iyun.

“Hindi ko naman sinasabi na meron talagang dayaan.

“Sana sagutin lang niya, hindi yung basta mag-celebrate ka na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN