Daniel Matsunaga ready to take relationship with Erich Gonzales to next level

Daniel Matsunaga: "Right now, it's really a blessing that's everything's doing well, God is really good, you know."


Dahil araw-araw silang magkasama dahil sa kanilang teleserye na Be My Lady, mas lalo raw tumatag ang relasyon ng magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Sabi ni Daniel, “Our relationship is going stronger.
 
“Every day we get to spend time with each other especially because of taping.

“Going stronger and the more I get to know her better, the more I fall in love.
 
“Always masaya, always supporting each other, and we always care for each other, either ups and down pa ‘yan.”
 
Naniniwala siya sa forever?
 
“I believe in forever,” mabilis na sagot ng Brazilian-Japanese model-actor.

Inamin din ni Daniel na may mga plano na siya para mas mag-level up pa ang relasyon nila ni Erich.

“A, meron.”
 
Nakikita ba niya ito sa madaling panahon?
 
“For now, depende sa show namin, work muna!” natawa niyang sagot.

HIGH RATINGS. Dahil sa tagumpay ng morning teleserye nila at patuloy na pagtatag ng kanilang relasyon, kitang-kita kay Daniel kung gaano ito kasaya at positibo ngayon.
 
Kamakailan lang nga ay ibinalita na extended ang  Be My Lady hanggang sa October ng taong ito at magte-taping pa sila sa Singapore.
 
Pahayag ni Daniel, “It’s been more than nine months. August last year kami nag-start mag-taping pero airing kami January.

“Masaya, sobrang saya, very positive, lahat kami siguro ngayon.

“We’re big family talaga, especially the Crisostomo family.
 
“Sila Ms. Janice [de Belen], Tito Al [Tantay], we’re also super happy dahil sa rating namin, sobrang nakaka-proud.

“Very inspiring, it’s hard to be puyat for all these days and you see what’s coming.”

Masaya rin daw sila sa mga feedback na nakukuha nila para sa Be My Lady.

Tinagurian na nga itong "Most Watched Daytime Teleserye" sa ABS-CBN.
 
Sabi ni Daniel, “All that we read on social media, it’s super positive, it’s inspiring. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All of them, they’re so happy with the show. 
 
“Maybe that’s the reason why our rating is doing well because they really love the show, they’re really inspired.”
 
Hanggang October pa nga sila, pero malaki pa rin ang posibilidad na humaba pa ito.
 
Nang simulan ba nila ito noong isang taon, naramdaman na nilang magtatagal sila sa ere?
 
Sagot ni Daniel, “Siyempre, it’s nice to expect that the show will be good. 

“Right now, it’s really a blessing that’s everything’s doing well. God is really good, you know.
 
“Everything that’s happening in our show, it’s really good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN