Maricel Laxa-Pangilinan warns public about fake social media accounts; son Donny trends on Twitter

Ipinaalam ni Maricel Laxa-Pangilinan sa publiko ang kanyang official social media accounts dahil nababahala na raw siya sa mga posers at fake accounts na gumagamit sa kanyang pangalan at sa anak niyang si Donny.


Ipinaalam ni Maricel Laxa-Pangilinan sa publiko ang kanyang official social media accounts dahil nababahala na raw siya sa mga posers at fake accounts na gumagamit sa kanyang pangalan at sa anak niyang si Donny.

Pahayag ng celebrity mom, “Gusto ko lang manawagan para sabihin na yung totoong social media sites ko po, yung Instagram is @mommymaricel, sa Facebook is Maricel Laxa-Pangilinan.

“Sinasabi ko ito kasi napag-alaman ko na may mga taong nagso-solicit ng pera sa mga followers na akala nila iyon [fake accounts] yung mga official sites ko.

“Ganun din kay Donny, maraming mga sites na kunwari si Donny, pero hindi naman. Ang totoo mong Instagram ay…”

Dagdag naman ni Donny, “My Instagram is @donny_pangilinan, and my Twitter is @donnypangilinan.”

Pakiusap pa ni Maricel, “So, mag-ingat po tayo, and at the same time mag-enjoy lang tayo, yung good vibes lang, di ba?

“Huwag po tayong manira at manggamit ng tao.”

Ito ang inihayag ng mag-inang Maricel at Donny nang mag-guest sila sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na ipinalabas kaninang umaga, May 31.

SHOWBIZ CRUSH. Sa show ay tinanong din si Dondy kung may nililigawan na ba siya ngayon?

Sagot niya, “No, I just have a lot of friends.”

Ano ang type niya sa girl?

“I don’t know… if we click, we click.”

Kung may tatlong local actresses na gusto niyang maging ka-love team kung sakali, sino ang mga ito? Sino ang mga kilala niya sa showbiz?

“I know Liza [Soberano], I know Julia [Barretto], I also know Kathryn [Bernardo].”

DONNY TRENDS ON TWITTER. Samantala, hindi man natalakay kung papasukin ba ni Donny ang showbiz ay dumami naman ang mga tagahanga niya gayundin ang kanyang social media followers.

Sa katunayan, sa oras na ipinapalabas ang kanilang Magandang Buhay guest appearance ay naging top trending topic sa Twitter ang #DonnyOnMagandangBuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nire-retweet din ni Donny ang magagandang comments at feedback sa kanya. Gaya na lang ng sabi ni @kutingxxvi: “@donnypangilinan 1st spot babe omg congrats!!! #DonnyOnMagandangBuhay

Reaksyon naman ni Donny: “uy not bad haha sorry for flooding u guys”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN