Bianca Gonzalez on Duterte: "I didn't vote for him but am liking what he's saying about his plans."

Bianca Gonzalez calls Duterte "unconventional" but she is liking what the incoming president is saying about his plans for the country.


Nagpahayag ng kanyang opinyon ang TV host na si Bianca Gonzalez kaugnay ng mga pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte sa isang press conference, na ginanap sa Barangay Panacan, Davao City, nitong Martes, May 31.

Sa isang tweet, sinabi pa ni Bianca na susuportahan niya ang mga plano ng bagong halal na presidente.

Nag-tweet si Bianca na hindi siya sang-ayon sa incoming president sa maraming bagay, pero makabubuti raw para sa Pilipinas kung magagawa nitong tanggalin ang corruption.

Sa unang tweet ng ABS-CBN host, sinabi nitong hindi niya ibinoto si Duterte noong nakaraang eleksyon dahil “unconventional” ang kanyang mga pamamaraan, subalit nagugustuhan daw niya ang mga plano nito para sa bansa.

Ni-retweet din ni Bianca ang ilang quotes sa mga pahayag ni Duterte sa nasabing presscon, bilang pagsita niya sa reporters na naroon sa presscon at nagbabato ng tanong sa outgoing Davao City mayor.

Tweet ni Bianca, asahan na ng reporters sa Malacañang ang kakaibang mga sagot mula sa incoming president.

Nag-tweet pa si Bianca na excited siya sa magiging first State Of The Nation Address (SONA) ni Duterte at kung ano ang kanyang mga sasabihin.

Sa isang punto ng presscon, nang mairita si Duterte sa sunud-sunod na tanong sa kanya, sinabi nito, “May sundalo ba rito? I-armalite nga mga ito.”

Tweet ni Bianca, “Gotta be the first time a President has said such things in a presser!”

Isang netizen naman ang nagtanong kay Bianca kung tama ba ang inasal at sinabi ni Duterte.

Sagot ng TV host, “Not for me to say! Though not to be emulated by the young, and he is who he is and he is who majority voted for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN