Benjamin Alves puzzled by uncle Piolo Pascual's younger-looking face

A nephew of matinee idol Piolo Pascual, Benjamin Alves wonders about the forever young looks of his famous relation. The Kapuso actor says, "I need to find out anong sekreto niya bakit siya bumabata. Sinasabi ko po lagi, 'Bampira ka ba?' Seryoso!"


Isa raw sa gustong malaman ni Benjamin Alves tungkol sa kanyang tiyuhin na si Piolo Pascual ay kung bakit tila hindi bumabata ang hitsura nito.

Sabi ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Gusto ko nga siyang makausap.

“I need to find out anong sikreto niya bakit siya bumabata.

“Sinasabi ko po lagi, ‘Bampira ka ba?’ Seryoso!”

Kung hitsura ang pagbabasehan, halos parang magkakaedad lamang sina Benjamin, Piolo, at ang anak ni Piolo na si Iñigo Pascual.

Pagsang-ayon ni Benjamin, “Yeah! We all look like, parang magkakapatid.

“And he’s not the oldest-looking, he looks young.”

Lagi nga raw niyang tinatanong ang sikreto ng youthful looks ni Piolo.

“I always ask him, natatawa na lang siya.

“Even Iñigo thinks that way, parang, ‘Ang daya naman nito, ang bata naman.’

“He’s young! I think bukod sa exercise, the way he eats, you know.”

FAVORITE? Samantala, nilinaw ni Benjamin ang paniniwala ng iba na siya ang paboritong male talent ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist and Model Management, Inc.

Aniya, “Hindi naman po siguro. Siguro malalim lang po talaga yung relationship namin ni Mama J [Jonas].

“Kaya niya pong sabihin sa akin during my vacation na nandun po kayo na, ‘Hoy, magpa-interview ka.’”

Nangyari ito a few weeks ago nang nakita namin si Benjamin sa Boracay.

We informed Jonas about this, at agad itong nag-text kay Benjamin na makipagkita sa amin for an interview kahit nasa bakasyon ang Kapuso hunk.

Sabi pa ng aktor, “Ganun po yung relationship namin, close na close po talaga kami.

“No reason to leave Mama J, but I don’t think I’m the [favorite].

“Ano po si Mama J, and I’ve said this before when I started out, pag nagsisimula po kayo under Jonas, he will really take care of you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So people would probably think na favorite ka.

“Ikaw ang pinaka-kailangan ng atensiyon, e, kasi bago pa lang po kayo.

“And I’ve experienced that and I’m very thankful for that because he set the foundation right.

“Ngayon, he doesn’t have to be in a presscon with me.

“Alam naman niya na he’s already introduced me to everyone here.”

Sa presscon nga ng bagong comedy show ng GMA Network na A1 Ko Sa ‘Yo last week ay hindi na sinamahan ni Jonas si Benjamin; tanging ang road manager na lang niya ang kasama ng aktor.

“So, siguro yung iba nasasabi na favorite sila… parang gusto nila lagi yung atensiyon nasa kanila.

“For me, I don’t need that attention when it’s not warranted, when it’s not right.

“Bilang tao lang po si Mama J, marami po siyang gustong tulungan.

“Mas magandang marami siyang natutulungan kesa ikaw lang ang tutulungan.

“Ganun po yung mindset ko sa agency namin,” paliwanag ni Benjamin.

ARIELLA ISSUE. Bilang loyal sa Mercator, ano ang reaksiyon ni Benjamin sa pag-alis ng beauty queen na si Ariella Arida sa pangangalaga ni Jonas?

Co-host na ngayon si Ariella ni Willie Revillame sa Wowowin.

Saad niya, “Nabalitaan ko lang po 'yan recently, well, I wish her well.

“I’m sure she had her reasons. I love them both, Mama J and Ara.

“We wish her well, she’s very talented naman, very beautiful.

“I’m sure para sa kanya she made the right decision, that’s the best decision for her.

“I respect that, bilang talent din naman ako [ng Mercator], I’m happy for both of them.

“I know that Mama J for sure is gonna be fine, and I’m sure Ara will find her way as well.”

May balitang hindi naging maganda ang hiwalyan nina Jonas at Ariella bilang manager at talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Benjamin tungkol dito, “Kung may sourness man sa relationship, I’m sure that will be fixed… pamilya naman sila, e.

“Lagi naman pong ganun, sa pamilya may nagiging tampuhan.

“If there is, hindi ko naman po sure, pero kung meron po, maaayos din po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN