Coleen Garcia's dad admits that he and Karla Estrada are now on 'getting-to-know' stage

Coleen Garcia's dad, Jose Garcia, on Karla Estrada: "When I see her, it's like I'm looking into a mirror. Ito pala ang babae na version ko. Sabi ko, 'Baliw rin pala 'to.'"


Inamin ng ama ni Coleen Garcia na si Jose Garcia na nasa getting-to-know-each other stage sila ni Karla Estrada.

Sa ulat ni Gretchen Fullido para sa Star Patrol nitong Miyerkules, June 1, tinanong nito ang ama ni Coleen kung nililigawan na ba niya ang ina ni Daniel Padilla.

Natatawang sagot ni Jose: “Parang ganun!”

Tinawag pa nitong female version niya si Karla.

“When I see her, it’s like I’m looking into a mirror. Ito pala ang babae na version ko.

“Sabi ko, ‘Baliw rin pala ‘to.’”

Nagkakilala ang dalawa nang mag-guest si Jose at ang anak na si Coleen sa morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, kung saan isa sa mga host si Karla.

Mula noon ay ipinareha na ang dalawa.

Maging noong premiere night ng Love Me Tomorrow noong May 31, Martes, magka-date sina Jose at Karla.

Ayon pa sa ulat, ini-enjoy ngayon nina Jose at Karla ang kanilang getting-to-know-each-other stage.

Ito ay sa kabila ng sa pagkakaalam ng mga nasa showbiz ay may karelasyon ngayon ang ina ni Daniel.

COLEEN REACTS. Samantala, boto naman daw si Coleen sa pagkakamabutihan ng kanyang ama at ni Karla.

Sabi ng Kapamilya actress, “It’s a good feeling also to see my dad happy.

“My dad has been single since I was 9 and I’m already turning 24 this year, so it’s about time.

Sa tanong kung boto ba siya kay Karla, sagot ni Coleen: “Oo naman. I just want my dad to be happy and Tita Carla also deserves to be happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN