Sharon Cuneta laughs off 360-degree turn in The Voice Kids

Sharon Cuneta on bashers of her The Voice Kids stint: "Ako, nagtatrabaho nang matino, marami akong napapasaya, tumaas pa yung ratings ng The Voice. I am enjoying myself, our audience is enjoying the three of us together. So, parang wala na. Hindi na mawawala yun sa showbiz. The thing is, now, they don't matter, kasi natatabunan ng mga positive things. Why you will pay attention to that?"


Hindi raw apektado ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mangilan-ngilang negatibong komento tungkol sa kanyang pagiging bagong coach sa singing search ng ABS-CBN na The Voice Kids.

Pinalitan ni Sharon si Sarah Geronimo bilang coach.

Marami ang natuwa at nagsabing nakadagdag ng saya ang presensiya ng Megastar sa show, pero may ilang ding netizens, partikular na ang mga tagahanga ng Pop Princess, ang namba-bash ngayon kay Sharon.

Pahayag ng singer-actress tungkol dito, “Mangilan-ngilan lang naman yun pero natatabunan sila ng mga positive things.

“Hindi na ako, siguro kasi I’m older. Tapos na-experience ko nung bago pa ako nun.

“Kaya siguro ako sobrang sensitive noon kasi bago pa lang.

“Saka siguro nagsasayang din sila ng time. Mayroong nagbabasa bago ko basahin. Sinasala.

“Bakit? Bakit ko sisirain ang araw ko?

“So, hayaan mo silang mapagod.”

Dagdag pa niya, “Ako, nagtatrabaho nang matino, marami akong napapasaya, tumaas pa yung ratings ng The Voice.

“I am enjoying myself, our audience is enjoying the three of us together.

“So, parang wala na. Hindi na mawawala yun sa showbiz.

“The thing is, now, they don’t matter, kasi natatabunan ng mga positive things.

“Why you will pay attention to that?”

360-DEGREE TURN. Isa sa episode na umagaw ng atensiyon at pinag-usapan nang husto sa social media ay nang umikot ng 360 degrees ang upuan ng Megastar nang umikot siya para sa isang contestant.

Marami ang natuwa at pumuri sa naging gesture ni Sharon dito.

Read: Lea Salonga has a request for fans of Sarah Geronimo; Sharon Cuneta makes fun of red chair malfunction

Nagpasalamat naman ang Megastar sa positibong epekto ng kumalat na video niya.

Sabi niya, “May basher ako, so nagpapasalamat ako sa kanya dahil sumikat yung 360—hindi siya kundi yung 360.

“Kasi natawa ako actually nung kinuwento sa akin.

“Kasi may nagsabi, ganito, may weight limit daw yung silya saka baka hindi raw umikot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ang bait talaga ni Lord, tingnan mo, dalawang beses umikot.

“Talagang sabi ni Lord, ‘Beh!’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sharon sa taping ng The Voice Kids kahapon, June 1.

NEW COACH. Masayang-masaya at labis din ang pasasalamat ni Sharon na parte na siya ngayon ng The Voice Kids, kasama ang mga kapwa coach na sina Lea Salonga at Bamboo Mañalac.

Saad ng Megastar, “Nagulat ako, pero alam mo yung dinadasal ko na sana huwag akong magulat.

“Na baka mamaya yung gulat ko, negative yung dating na, ‘Bakit isinali ito?’ Parang wala namang naitulong.

“So, gusto ko talaga may maidagdag ako at, sa awa ng Diyos, naku, salamat po sa pagtangkilik ninyo sa The Voice Kids Season 3.

“Unang season ko, sobrang heaven na heaven kaming lahat.

“Alam ninyo, nalalabas ko na ang mga kalokohan ko, na ganun naman ako in real life.

“Kasi ngayon wala na si Mommy [Elaine Cuneta] at si Daddy [Pablo Cuneta]. Puwede ko nang ilabas.

“Nung araw kasi papagalitan ako.”

LEA SALONGA. Isa sa inaabangan ngayon sa The Voice Kids ay ang banter nina Sharon at Lea.

Bagay raw kasi ang wit at humor ng Megastar sa pagiging seryoso at prangka naman ni Lea.

Pahayag ni Sharon tungkol dito, “Actually, kaming tatlo, pero si Lea talaga, we’ve known each other forever talaga, since Viva days pa.

“Tsaka I think it’s respect, e, mutual respect for each other.

“Tapos si Bamboo din, ang taas ng respeto ko.

“It worked, kasi I’m so happy, ipinagdasal ko yun. ‘Lord, ano kaya ang magiging ibang dynamics…’

“Siyempre, pag wala na si Coach Sarah, ako na ang papalit.

“‘Ano kaya ang mangyayari dito? Yung chemistry kaya mag-work kaya?’

“Kaya sobrang heaven-sent yung ratings namin saka yung feedback talaga.

“Hindi na talaga ako nagso-social media, parang ngayon napipilitan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nakakadagdag ng saya, nakakadagdag ng gana.

“Parang isang taping day lang, pag-upong-pag-upo namin sa chair, mag-uumpisa na yung show, sabi ko, ‘My God, I feel so blessed.’

“This show, I am so happy kasi nga masaya kami.”

Dagdag pa ni Sharon, “Sabi ko nga, ang joke ko lagi, kung anu-ano ang sumasanib sa akin.

“Kung ano ang sumanib, sige!

“Kasi, in real life, I’m really like that with my family and friends.

“Pati si KC [Concepcion, her daughter], tinanong mo, sasabihin nun nawawalan siya ng boses pag pinapatawa ko siya.

“Hindi ko sinasadya, ganun lang talaga ako, natural comedienne ako, kami ng kuya ko.

“Saka hindi na magagalit si Mommy, ayoko ng sobrang pormal-pormalan.”

Patuloy niya, “Saka sa I have to say this, sa laki niya [Lea]…

“If Jaclyn Jose brought us honor after winning the Cannes Best Actress award, imagine, parang gumaling kaming lahat, tumaas ang lahat sa amin dahil kay Jaclyn.

“So, tumaas ang tingin sa aming lahat ng artista.

“Ganun din ang ginawa ni Lea when she joined Miss Saigon nung araw.

“And for someone na may Tony award, someone who have experienced so many things that nobody in the Philippines ever has, she is one of the most generous persons, kindest person that I’ve known.

“Ang gusto ko sa kanya, honest siya, diretso siya, hindi siya plastik.

“She won’t say anything kung ayaw ka niya, pero I’d like that we have that mutual respect.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN